Ate Vi kay Luis: Wala na kaming baby, pwede mo na kaming bigyan ng apo! | Bandera

Ate Vi kay Luis: Wala na kaming baby, pwede mo na kaming bigyan ng apo!

Julie Bonifacio |May 25,2017
facebook
share this

Ate Vi kay Luis: Wala na kaming baby, pwede mo na kaming bigyan ng apo!

Julie Bonifacio - May 25, 2017 - 12:01 AM

jessy mendiola at luis manzano1

TINUTUKSO na ni Lipa Rep. Vilma Santos-Recto ang anak na si Luis Manzano kung kailan ba ito magpapakasal para mabigyan na raw siya ng apo.

Ito’y matapos ngang aminin ng actress-politician na okay na okay sa kanya kung si Jessy Mendiola na ang gustong mapangasawa ng TV host-comedian.

“Nanunukso lang, ‘Anak, ilang taon ka na. Tapos kami, wala na kaming baby. Imagine, 34 ka na. Si Ryan (Christian) 21 na. Wala na kaming baby. Baka pwede naman na. Kasi ang baby namin puro aso na lang.’ Natatawa lang siya. Tapos sasabihin niya, ‘Don’t worry mom. Don’t worry it will come.’ Ganoon lang,” ang pahayag ni Cong. Vi.

Diretsahan ding sinagot ng mommy ni Luis ang tanong namin kung boto ba siya kay Jessy for her son, “Oh, e, wala namang masama doon. Jessy is a very nice lady. Gusto ko ‘yung pagkaano niya, maybe she’s young, she’s 24. Ah, gusto ko ‘yung pagkabagets niya, kasi anything goes. She’s just natural and I like that.”

Wala rin daw masama kung may pagkaseksi ang roles na ginagawa ni Jessy sa pelikula at sa teleserye. Siya rin naman daw ay nagpaseksi noong araw.

“Ang importante naman ‘yung totoong pagkatao sa personalidad nu’ng pagkatao nu’ng isang tao, hindi dahil nagpaseksi. Ako rin nagpaseksi nu’ng araw, e.

“May mga movies din ako na ginawa noon na sexy but that doesn’t mean hindi na ako magandang tao ‘di ba?” paliwanag ng Star For All Season.

Lastly, boto rin daw siya na mapili si Jessy bilang susunod na Darna, “Bakit naman hindi? Pero alam mo maraming pwede.

“Pero personal choice ko? Ayokong magsalita. Ha-hahaha! Ipitin ninyo pa ako! Salbahe kayo, ha.

“Pero nakikta ko sa mga new breed of stars natin, sa mga bago, ang daming pwede. Kasi ang importante lang naman ma-maintan ang pagka-Darna ‘yung kailangan believable na siya ay isang hero.

“Alam mo when it comes to physical and at the same time ‘yung background, ‘yun lang ang importante,” ang pahayag pa ng award-winning actress.

Balitang may short list na ang Star Cinema ng mga female Kapamilya stars na posibleng pumalit kay Angel bilang bagong Darna. Hindi lang namin sure kung nasa listahan nga ang girlfriend ni Luis na si Jessy.

Pero ang isa sa mga matunog na pangalan na maaaring bumida sa bagong movie version ng Darna ay si Liza Soberano.
May lumabas namang balita sa social media na ang ka-loveteam daw ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo ang napipisil ng

Star Cinema executives na paliparin bilang bagong Darna.

At meron ding nagsasabi na bagay daw kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang nasabing iconic role dahil sa seksing katawan nito.

q q q

Speaking of Darna, tinanong din namin si Cong. Vilma Santos kung payag ba siyang lumabas in a special role sa susunod na “Darna” movie.

Kahit sino kasi ang tanungin namin, si Ate Vi ang sinasabi nilang pinakasikat na Darna dahil not once, not twice kundi ilang beses din siyang lumipad bilang Darna sa big screen na lahat ay tumabo sa takilya.

Kung si Vice Ganda ay payag magkaroon ng special participation sa isang “Darna” movie bilang one of the Planet Women, bagay kay Cong. Vi ‘yung role na magpapasa ng “bato” sa bagong lilipad na Darna, ‘di ba?

“Ah, depende,” sambit ng actress-politician. Dugtong niya, “Depende muna sa kung sino ang gagawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano kung si Jessy ang papalit kay Angel Locsin sa new version of “Darna” sa big screen? “Oo naman,” mabilis na sagot niya.
Handa ba siyang magsuot uli ng costume ng iconic Pinay superhero? “Bakit hindi? Ha-hahahaha! Joke!”

Pak na pak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending