Mr. Officer kumuha ng PR para sa 2019 polls | Bandera

Mr. Officer kumuha ng PR para sa 2019 polls

Den Macaranas |May 24,2017
facebook
share this

Mr. Officer kumuha ng PR para sa 2019 polls

Den Macaranas - May 24, 2017 - 12:10 AM

KUMUHA na ng serbisyo ng isang public relations firm ang isang kilalang opisyal ng pamahalaan para sa paghahanda niya sa senatorial election sa 2019.

Sinabi ng ating Cricket na bukod pa ito sa tulong na ibinibigay sa kanya ng ilang malalapit na media friends para panatilihing mabango ang kanyang pangalan sa publiko.

Kung tutuusin, ayon sa ating Cricket, ay madaling ikampanya si Sir dahil magaan ang dating niya sa mata ng publiko at nakita ito nang siya ay maitalaga sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Medyo nanahimik lang ang kanyang kasikatan dahil sa mga kontrobersiya ng kanilang tanggapan.

Ilang beses rin siyang inakusahan ng pagiging pabaya sa kanyang trabaho dahil hindi niya kayang disiplinahin ang ilan sa mga tauhan niyang nasasabit sa mga kalokohan.

Kung may protege na matatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ay tiyak na sasang-ayon kayo na kasama sa shortlist si Sir na laman ng ating kwento ngayong araw.

Ang kinuhang PR firm na tutulong para mas ayusin pa ang public image ni Sir ay popondohan ng kanyang mga kaibigan.

Naniniwala kasi sila na kahit paano ay may magagawa ito sa Senado lalo na kung may kaugnayan sa problema sa kriminalidad ang pag uusapan.

Ang mga kaibigan na ito rin ang sinasabing nagpahiram ng isang bullet proof na SUV na madalas gamitin ni Sir sa kanyang out of town trips na muli niyang inilunsad kamakailan.

Ilan sa mga itinuro ng kanyang mga kaibigan kay Mr. Government Official ay ang maayos na pagsasalita sa mga media interviews.

Pinayuhan siyang huwag na munang magkomento sa ilang mga isyu na hindi naman malinaw sa kanya at pinagsabihan rin siya na huwag gayahin ang pangulo sa pagbibigay ng mga maaanghang na salita sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang opisyal ng pamahalaan na nagsisimula ng maghanda sa kanyang pagtakbo sa Senado sa 2019 ay si Mr. D….as in Delle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending