Ai Ai ayaw nang pakialaman si Kris; todo suporta kay Mega | Bandera

Ai Ai ayaw nang pakialaman si Kris; todo suporta kay Mega

Ambet Nabus |May 24,2017
facebook
share this

Ai Ai ayaw nang pakialaman si Kris; todo suporta kay Mega

Ambet Nabus - May 24, 2017 - 12:10 AM

aiai 1

HANGA talaga kami kay Ai Ai delas Alas.

Kahit kailan naman talaga ay never itong nagsunog ng tulay sa kahit kanino kaya’t napakadali nitong makalabas-masok sa mga networks na pinagtatrabahuhan niya.

Noong inamin ng Comedy Queen na muntik na siyang mag-quit sa showbiz after niyang maranasan ang pagbaba ng karir, wala raw siyang ibang pinuntahan kundi ang pagdarasal.

The good thing is, merong mga gaya nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo na sumugal pa rin sa kanya, pati na ang GMA kung saan siya regular na napapanood ngayon.

Kaya nga gusto raw niyang panghawakan ang kasalukuyang “renewed interest and hotness” niya sa showbiz dahil parang second coming na niya ito.

Box-office hit ang latest movie niyang “Our Mighty Yaya” under Regal Films, plus marami pang naka-line up na projects para sa kanya before the year ends.

And yes, very soon ay pakakasalan na niya ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan na nag-propose na nga sa kanya kamakailan.

q q q

Bongga rin ang naging pakiusap ni Ai Ai delas Alas na huwag na siyang hingan o kunan ng pahayag tungkol sa mga kaganapan sa buhay at career ng kanyang “friendship” na si Kris Aquino.

Sey ng komedyana, “Kahit ano kasi ang sabihin ko, yung intriga o nega ang pinalalabas ng lahat. So huwag na lang.”

Tutal naman daw ay hindi na rin niya talaga ito nakakausap o natatawagan man lang, wala na ring rason para hingan siya ng opinyon sa mga bagay-bagay about Kris.

At gaya raw ng marami, sa social media na lang niya nababalitaan ang mga nagaganap sa buhay ng dating kaibigan.

Unlike Kris, nagpahayag naman ng matindiing suporta para kay Sharon Cuneta si Ai Ai na naging kontrobersyal kamakailan dahil sa mga makahulugang mensahe na ipinopost niya sa Facebook.

Sobrang idol at kaibigan pa rin daw ni Ai Ai si Mega at never naman silang nawalan ng communication, so proper din daw as a friend na suportahan niya ito sa mga pinagdaraanan nito sa buhay.

Aniya, “The megastar is the Megastar. Hindi iyan basta-basta natitinag. Basta ang sabi ko sa kanya, nandito lang ako para makinig sa iyo, patatawanin ka, pasasayahin ka. Ganu’n ang silbi ko sa kanya as a friend, as my idol.”

q q q

Speaking of Sharon, nagsimula na itong mag-shoot para sa kanyang kauna-unahang indie movie na isasali sa 2017 Cinemalaya.

Balitang excited ang buong produksyon sa presence ni Sharon at pagpapakita nito ng professionalism para sa nasabing proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa tsika ng aming kausap na involved sa nasabing movie titled “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”, ganadong-ganado raw si Mega sa first time nitong pagsabak sa indie film.

Maghahabol sila ngayon ng oras kaya’t ang bawat iskedyul ng aktres ay mahalaga lalo pa’t very soon ay magla-live na siya sa The Voice Teens bilang isa sa mga coach.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending