Paolo ipinakilala na sa nanay ang dyowang dancer, magkasama pa raw sa 'Eat Bulaga' | Bandera

Paolo ipinakilala na sa nanay ang dyowang dancer, magkasama pa raw sa ‘Eat Bulaga’

Jun Nardo |May 24,2017
facebook
share this

Paolo ipinakilala na sa nanay ang dyowang dancer, magkasama pa raw sa ‘Eat Bulaga’

Jun Nardo - May 24, 2017 - 12:05 AM

PAOLO BALLESTEROS AT ROLAND ANOG

PAOLO BALLESTEROS AT ROLAND ANOG

IBINUKING ng isang netizen kung sino ‘yung lalaking kasama ni Paolo Ballesteros sa recent Instagram post niya. “Poge” lang ang caption ni Pochoy (tawag kay Paolo) sa picture na ‘yon.

Roland ang name ng guy pero hindi na namin ilalagay pa ang surname niya. Pero siya rin ‘yung lalaking nakasama niya sa isang photo sa post niya last May 17, 2017.

‘Yung suot ng guy na shorts at sando ang pinagbasehan namin dahil may photo rin ang lalaki sa IG account niya na kuha rin sa kaparehong lugar.

Nu’ng sumali ang madir ni Paolo sa “Jackpot En Poy” ng Eat Bulaga, nasa backstage lang si Ronald, katabi pa niya ang madir ni Pochoy. Wala pang kumpirmasyon na inilalabas si Paolo tungkol sa tunay na relasyon nila ng nasabing guy, pero sabi nga, “picture speaks louder that words.”

Suportado naman si Paolo ng followers niya na nami-miss na ang pagkawala sa Eat Bulaga.

Base sa mga post ni Paolo, may movie siyang ginagawa ngayon, ang “Amnesia Love.” Wala pa kaming ibang detalye na nakuha tungkol dito. Ang balita lang namin, gagawa siya ng prequel ng “Die Beautiful” na ang title ay “Live Beautiful.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending