San Miguel Beermen natumbok ang ikaanim na panalo | Bandera

San Miguel Beermen natumbok ang ikaanim na panalo

Melvin Sarangay |May 19,2017
facebook
share this

San Miguel Beermen natumbok ang ikaanim na panalo

Melvin Sarangay - May 19, 2017 - 12:06 AM

Laro Ngayon
(Ibalong Centrum for Recreation)
5 p.m. Alaska vs TNT KaTropa

NASUNGKIT ng SanMiguel Beermen ang ikaanim nitong panalo matapos mapigilan ang NLEX Road Warriors, 114-108, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagawang makalayo agad ng San Miguel Beer na nakapagtayo ng 60-43 kalamangan sa halftime bago napigilan ang huling ratsada ng NLEX sa ikaapat na yugto.

Gumawa si Charles Rhodes ng 37 puntos at 19 rebounds para pangunahan ang Beermen na may anim na players na umiskor ng double figures.

Nagdagdag si Chris Ross ng 15 puntos at 11 assists, si Arwind Santos ay kumana ng 13 puntos, si Alex Cabagnot ay nag-ambag ng 12 puntos at 10 assists habang sina Marcio Lassiter at June Mar Fajardo ay may tig-12 puntos para sa Beermen na umangat muli sa top spot.

Nagtala si Wayne Chism ng 22 puntos para pamunuan ang NLEX.

Samantala, tatangkain ng Alaska Aces na wakasan ang kanilang three-game losing skid sa pagsagupa sa TNT KaTropa Texters sa kanilang out-of-town game ngayong alas-5 ng hapon sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City, Albay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending