Quantcast

Horoscope, May 20, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Wag matakot, lakas ng loob ang kailangan upang umunlad at lumigaya. Sa pinansyal, simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre ang sa iyo ay magpapaligaya. Mapalad ang 6, 14, 23, 31, 29 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Sky blue at gray ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Panatiliin ang pagiging kalmante sapagkat kung laging payapa ang isip mas madali mahahablot ang tagumpay at malaking suwerte. Sa pag-ibig, tanggapin na ang alok ng kaibigang Leo upang mabawasan ang lungkot at lumbay. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Govinda-Om.” Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Unti-unti nang mawawala ang kasalukuyang karamdamang iniinda, dahil darating na ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, partehan sa perang matatanggap ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Silver at yellow ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag kang tuos ng tuos sa mga kabutihang iyong nagawa. Sa pag-ibig, madalas na nag-iinit ang kasuyo, uwian siya ng pagkaing lusaw na malamig. Mapalad ang 1, 14, 23, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum”. Green at black ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Tama ang ginagawa mong simpleng buhay lang! Sa simpleng buhay, dyan ka uunlad at magiging maligaya. Sa pag-ibig, hadlangan ang maluhong pamumuhay ng kasuyo upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Violet at gray ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Isang kaibigang Sagittarius ang tutulong sa iyo upang malutas ang mga problema. Sa pag-ibig, sa isang Sagittarius din makakatikim ng masarap na romansa. Mapalad ang 8, 17, 23, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Gayatri-Aum.” Red at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pag-ibig may darating na tukso – wag papatusin, upang hindi ka mapahamak! Sa pinansyal, tandaan ang illicit love affair ay magdadagdag lang ng malaking gastusin. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Aum-Savitra.” Gold at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa negosyo, mainam magsimula ng bagong pagkakaperahan, kaysa patuloy na nag-aabang sa wala. Sa pag-ibig, wag ng ilihim sa isang Virgo ang lihim mong pagtingin sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umali-Dosya-Om”. Gray at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Upang umunlad ang pamumuhay panatiliin ang ugaling pagiging praktikal at hindi materyoso. Sa pag-ibig, hindi dapat na puro na lang ang kasuyo ang nasusunod, ikaw naman ang umander sa kanya. Mapalad ang 5, 8, 28, 35, 40 at 47. Mahiwagang bulong: Titigan ang pagitan ng dalawang mata ng sino mang kausap at ibulong ang ganito: “Mapapasunod kita!” Red at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Anuman ang dumating na problema hindi dapat sumuko, darating ang panahong yayaman ka rin. Sa pag-ibig, hindi lang siya ang nilalang sa mundo, makakatagpo ka pa ng higit sa kanya. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Aum-Nameh.” Purple at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag magpaapekto sa mga nangyayari. May layunin ka sa buhay at ito ay ang dapat na manaig. Kumbinsehing mabuti ang kasuyo, na ang dapat na maging priority ninyo ay ang pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad ang 7, 15, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla”. Yellow at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kapag sinuwerte sa salapi, sa pag-ibig ka mamalasin, kapag sinuwerte naman sa pag-ibig sa salapi ka naman mamalasin. Laging magsuot ng kulay na dilaw at itim, upang tuloy-tuloy ng suwertehin sa pag-ibig at sa salapi. Mapalad ang 4, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Me-Om” Bukod sa dilaw, ang black ay buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Isang pagkilos pa, matutumbok mo rin ang pagyaman. Sa pag-ibig, wag nang indahin at damdamin pa kung lagi kang kinokontra ng iyong kasuyo, darating ang araw susunod din siya sa lahat ng iyong kagustuhan Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Om-Yasoda.” Green at pink ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement