Quantcast

Tanong hinggil sa DOLE Clinic

By

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan. Nabalitaan ko po ang tungkol sa  DOLE clinic. Gusto ko po na linawin kung eto po ba ay may kinalaman sa kalusugan  na kung saan ay maaari nang magpa-check up ang mga  empleyado dyan sa DOLE clinic o may kinalaman po ito sa pangangailangan ng mga manggagawa. Ano  po ang maitutulong nito sa tulad ko na isang empleyado sa pribadong sektor? Umaasa ako  na agad na matutugunan ang aking katanungan. Salamat po.

Mrs. Juanita Gonzales
255 Arandia st.
Tunasan,
Muntinlupa City

REPLY: Para sa inyong katanungan Gng. Gonzales, ang DOLE clinic ay isang mekanismo upang mas ilapit ang DOLE sa mga komunidad sa pamamagitan ng pre-employment facilitation, labor standards enforcement, dispute resolution at tulong pangkabuhayan.

Layunin  nito ay upang  mas mapabilis at maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo ng DOLE.
Ang lahat ng regional directors ay magbubukas ng ‘DOLE Clinics’ sa mga Public Employment Service Offices (PESO) sa mga local government unit (LGUs) sa buong bansa.

Ito ang magiging sentro ng serbisyo publiko ng DOLE hanggang sa lebel ng mga komunidad. Magbibigay ito ng impormasyon, serbisyo, at tulong sa iba’t ibang sangay at ahensya sa mga isyu sa trabaho sa lokal at ibang bansa, mga benepisyo sa ilalim ng general labor standards at occupational safety and health standards, labor relations, at tulong pangkabuhayan.

Ang lahat ng kagawaran at ahensya ng DOLE ay inaatasang magbigay ng mga kinakailangang information, education and communications materials na naaayon sa kanilang kakayahan at mandato sa mga nasasakupan nitong lugar upang umagapay at tumulong sa DOLE community outreach program.

Lahat ng mga regio-nal director ay dapat na siguruhin na ang mga materyales sa Labor and Employment Education Services (LEES) ay nakahanda at madaling makuha ng publiko sa mga LGU sa pamamagitan ng PESO.

Kasunod ng pagtatayo ng community service program, ang mga DOLE regional offices, bureaus, at agencies ay magsasagawa ng one-day forum sa mga isyu sa labor and employment ng isang beses kada buwan at makikipagtulungan sa mga LGU.

Ang mga miyembro ng komite ay ang chairperson ng National Labor Relations Commission, mga administrator ng Overseas Workers Welfare Administration at Philippine Overseas Employment Administration, ang executive director ng National Conciliation and Mediation Board, at mga direktor ng Bureau of Working Conditions, Bureau of Labor Relations, Bureau of Local Employment, Bureau of Workers with Special Concerns, kasama ang Administrative Service bilang secretariat.

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement