Richard ka-join ng KathNiel sa La Luna Sangre?

By Ervin Santiago May 20,2017
share this

Richard ka-join ng KathNiel sa La Luna Sangre?

By Ervin Santiago May 20,2017
share this
RICHARD GUTIERREZ, DANIEL PADILLA AT  KATHRYN BERNARDO

RICHARD GUTIERREZ, DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KALAT na ang balitang makakasama raw si Richard Gutierrez sa bagong fantasy series ng ABS-CBN, ang La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Wala pang kumpirmasyon tungkol dito pero mukhang may bahid ng katotohanan ang balita dahil magsisimula na raw mag-taping si Richard pata sa nasabing proyekto. Kung wala nang magiging problema, baka raw sa June na ang airing nito.

At kung matutuloy nga ang paglabas ni Richard sa La Luna Sangre, magiging reunion din nila ito ni Angel Locsin sa TV after several years. Ang La Luna Sangre ay sequel ng Imortal at Lobo na pinagbidahan noon ni Angel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending