Quantcast

Sharon inatake ng depresyon dahil hindi nabili ang dream house sa US

Kiko walang milyones para matulungan ang asawa

By

SHARON CUNETA, KC CONCEPCION AT KIKO PANGILINAN

SHARON CUNETA, KC CONCEPCION AT KIKO PANGILINAN

UNTIL now ay usap-usapan pa rin ang pagiging “poor” at “baon” sa utang ni Megastar Sharon Cuneta.

Binigyan kasi ng maling interpretasyon ang pinost niya that she is probably the poorest and most cash-strapped billionaire.

Obviously, ‘yung ibang nagsabi na naghihirap at baon sa utang si Sharon hindi knows ang tungkol sa business and investments.

More importantly, hindi niya knows kung gaano talaga kayaman at karami ang mga naglalakihang properties ni Megastar.

Based on her posts, feeling namin kaya siya pumuntang mag-isa sa Amerika ay para personally makuha ang payment sa nabenta niyang mansion sa Calabasas, California na nabili ng isang mayamang personalidad sa Hollywood.

And now, gusto ni Sharon bumili ng panibagong bahay doon na sa tingin niya ay isang malaki at napakagandang investment.

At the same time, parang “mega dream house-come-true” ang nakita niiyang property sa ibang bansa na gusto niyang i-acquire.

Siyempre kapag bongga ang bahay, bonggang-bongga rin ang presyo. But the problem is, kulang ang cash ni Mega at baka hindi sapat ang nakuha niyang halaga mula sa ibinenta niyang mansyon. Sad to say, walang mautangan si Sharon ng cash to buy her “mega dream house.” Nangungutang siya dahil kulang ang cash niya so she needs to sell some of her properties.

Ayaw man ni Mega na ibenta ang kanyang properties para mabili niya ang “mega dream house” or whatever but she felt that is a very lucrative investment din naman.

At kung makabenta man siya ng property, matatagalan pa bago niya makuha ang bayad. Kapag natagalan, baka maunahan na siya ng ibang buyer.

Tanda pa namin nu’ng naratay sa ICU for more than a month ang kanyang yumaong ina na si Mommy Elaine, pinasalamatan niya ang anak na si KC Concepcion na nagpautang sa kanya ng P10 million pambayad sa ospital.

Inamin ni Mega na nasa investments and properties ang kanyang pera. Kaya wala or kulang ang pambayad niya sa ospital kaya humiram muna siya kay KC.

***

Still on the Megastar, may “eye” pala talaga siya on what a good investment is when she sees one.

Say ni Mega, nakuha niya ito sa kanyang ama, si former Pasay Mayor Pablo Cuneta. Ayon kay Mega natalbugan na niya ng yaman ang sariling ama. Bongga ‘di ba?!

Kaya nga pakiusap ni Sharon huwag siyang kidnapin kasi wala siyang cash (liquid) na mabibigay na ransom sa mga kidnaper dahil nakalalan na sa pambayad ng mga “utang” ang pera niya.

Wala namang maitulong si Sen. Kiko Pangilinan para mabili na ni Mega ang target niyang investment.

Dahil knows naman na ‘di corrupt na politician ang mister ni Mega kaya wala rin siyang maitulong sa “financial problem” ng asawa.

And mind you, kung anong yaman ni Sharon, kanyang-kanya lang lahat ‘yun dahil may pre-nuptial agreement sila ni Sen. Kiko. Kaya siya lang ang pwedeng gumalaw ng pera niya.

So, tigilan na ang paulit-ulit na isyung panloloko sa kanya ni Sen. Kiko at mga tsismis ng pambababae raw. Wala na bang ibang pwedeng gawing isyu sa senador para maghiwalay sila ni Mega?

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement