Alden, Maine may pasabog na sorpresa sa AlDub Nation

By Jun Nardo May 19,2017
share this

Alden, Maine may pasabog na sorpresa sa AlDub Nation

By Jun Nardo May 19,2017
share this
ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MAGBUBUNYI na ang AlDub Nation sa mga susunod na episodes ng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Handa na kasing suwayin ni Sinag (Maine) ang kanyang pamilya upang sundin ang utos ng kanyang puso.

Sa teaser nu’ng Miyerkoles nang gabi, tumakas na si Sinag sa bahay nila sa pamamagitan ng pinagdugtung-dugtong na kumot na ginamit niya para makababa sa bintana ng bahay.

Kahapon ang 96thweeksary ng AlDub kaya naman magandang regalo ito sa kanila dahil finally, ang pansariling kaligayahan naman ng mga idolo ang kanilang matutunghayan sa programa na magtatapos na next week.

Kaya tutok at kapit lang, AlDub Nation gabi-gabi sa DTBY na napapanood pa rin pagkatapos ng Encantadia na magtatapos naman ngayong gabi!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending