Rachel Peters kinampihan ng fans ni Mocha, pasado sa Q&A portion

By Ambet Nabus May 19,2017
share this

Rachel Peters kinampihan ng fans ni Mocha, pasado sa Q&A portion

By Ambet Nabus May 19,2017
share this
RACHEL PETERS AT MARIEL DE LEON

RACHEL PETERS AT MARIEL DE LEON

HINANGAAN ng mga netizen ang  pagiging “safe” ni Miss Universe-Philippines Rachel Peters sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa mga current events sa bansa.

Tulad ni Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon, may saloobin din ang kapwa beauty-queen na si Rachel sa appointment ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary sa Communications Department ng Duterte administration (social media) ngunit hindi ito nagbitiw ng maanghang na opinyon laban sa dating sexy singer.

Kaya ang “You cannot judge a book by its cover” statement ni Rachel patungkol kay Mocha ang winning answer ng dalaga para sa mga netizens. Dahil dito, naniniwala ang mga bashers ni Mariel de Leon na mas nag-iisip at nag-iingat si Rachel kesa sa kanya.

By the way, marami din ang nagtatanong kung sadya raw bang “espesyal” ang title na hawak ni Rachel dahil kumpara sa ibang Binibining Pilipinas titles ay ito lang ang direktang tinatawag na Miss Universe-Philippines. Lahat daw kasi ng international titles ay may kasamang “Binibining Pilipinas” but not Miss Universe-Philippines.

Hmmmm, diskriminasyon daw ba ito para sa mga kinoronahang Binibining-Pilipinas International, Intercontinental, Supranational, Globe at iba pa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending