Quantcast

Coco bistado na ang sikreto ni Arjo Atayde

By

coco martin at arjo atayde
DUMATING na ang pinakahihintay na rebelasyon ng mga manonood dahil bistado na ni Cardo (Coco Martin) ang ginawang pagpaslang ni Joaquin (Arjo Atayde) sa kakambal nitong si Ador sa nangungunang primetime serye na FPJ’s Ang Probinsyano noong Lunes (May 15).

Naging madamdamin ang tagpo kung saan inamin ni Colonel Carreon (Art Acuña) ang madugong pagpatay at pagtraydor ni Joaquin kay Ador, na lubos na nagpagalit sa kakambal nito at sa kanilang lolo na si Delfin (Jaime Fabregas).

Hindi naman titigil si Cardo na ipaghiganti ang kanyang kapatid at sisiguraduhing mahuhuli at pagbabayarin nito si Joaquin sa lahat ng kanyang kasamaan. Mabigyan na kaya ni Cardo ng hustisya ang pagkamatay ng kakambal? Makawala pa rin kaya si Joaquin mula sa kamay ng batas?

Samantala, lubos na tinutukan ng mga manonood ang madamdaming mga eksena noong Lunes matapos makapagtala ang serye ng national TV rating na 38.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Huwag palampasin ang tuluy-tuloy na maaaksyon at madramang tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Sabi nga ni Coco, napakarami pang panggulat na mga eksena na mangyayari sa serye na tatagal pa hanggang 2018.

Kasali pa rin dito sina Susan Roces, Yassi Pressman, John Prats, Awra Briguela, Onyok Pineda, Joel Torre at marami pang iba.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement