Quantcast

Kathryn nag-sorry sa KathNiel fans, nakiusap sa mga guard

By

kathryn bernardo

PURING-PURI ng netizens si Kathryn Bernardo dahil sa sinsero at walang kaplastikang pagmamahal nito sa mga fans nila ni Daniel Padilla.

Kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita si Kathryn na nagpe-perform on stage sa isang mall. Kasama rin ng dalaga sa nasabing mall show si Daniel.

Dito napatunayan ng KathNiel fans na talagang mahalaga at binibigyan ni Kath ng importansya ang kanilang loyal supporters.

Kitang-kita kasi sa nasabing viral video ang disappointment ni Kathryn nang hindi siya makalapit sa mga nagkakagulong audience sa mall na talaga namang tuwang-tuwa nang makita sila ni DJ up close and personal.

Matindi kasi ang ipinairal na security sa nasabing mall para protektahan ang mgaka-loveteam. Talagang hinaharang ng mga marshall at security guard ang mga nagtatangkang lumapit kina DJ at Kathryn.

Maririnig din sa video ang sinabi ni Kathryn na, “Sorry guys. Gusto kong pumunta, hinaharangan nila. Kuya, hayaan niyo.”

Sey ng isang nakapanood sa video, “Grabe naiiyak ako, hindi ako fan ng KathNiel pero nung napanood ko ito namangha ako kay Kath! Ibang klaseng bata!”

Sabi naman ng isang netizen, “When I saw this video yung muka ko biglang napa wow. Proud to be KN! Yan ang dahilan kung bakit isa siyang Queen!”

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement