Kiko sumusumpa kay Sharon: Ikaw lang ang mamahalin ko nang buong puso't kaluluwa! | Bandera

Kiko sumusumpa kay Sharon: Ikaw lang ang mamahalin ko nang buong puso’t kaluluwa!

Jun Nardo |May 16,2017
facebook
share this

Kiko sumusumpa kay Sharon: Ikaw lang ang mamahalin ko nang buong puso’t kaluluwa!

Jun Nardo - May 16, 2017 - 12:10 AM

sharon cuneta at kiko pangilinan

INABSWELTO na ni Sharon Cuneta ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa tsismis sa kanila ni Sen. Risa Hontiveros.

Sa mahaba niyang post sa Facebook umarya ang Megastar ng kanyang hinanakit na nataon pa nu’ng Mother’s Day last Sunday. Sinabi nitong hindi totoong umalis siya ng Pilipinas dahil may babae si Kiko.

Chill lang naman si Sen. Kiko sa post na ‘yon ng asawa. Sa Twitter account ng senador, inilabas nito ang suporta para kay Shawie sa mismong araw ng ina.

“An awesome Mom & her children. Happy Mother’s Day to my partner, my best friend, the only woman I will love w/ all my heart & all my soul,” tweet ni Sen. Kiko.

Dahil nga kay Sharon, forever siyang nagpapasalamat dahil sa pagkakaroon ng mababait na anak.

Pagdating naman sa kinakaharap na problema ng asawa, “Know that as you go through your own life journey I’ll be here beside you & even if I may not be able to solve a number of problems you face,” suporta ng senador sa kanyang maybahay.

So, shut up na lang ‘yung bumibira kay Sharon ngayong nailabas na niya ang pinagdaraanang problema. Kung ang asawa nga niya eh, hindi nakikialam, kayo ba pang walang puwang sa mundo ng Megastar?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending