Sharon binubulabog dahil sa pera at mana; kinabog si Kris sa pag-eemowt | Bandera

Sharon binubulabog dahil sa pera at mana; kinabog si Kris sa pag-eemowt

Cristy Fermin |May 16,2017
facebook
share this

Sharon binubulabog dahil sa pera at mana; kinabog si Kris sa pag-eemowt

Cristy Fermin - May 16, 2017 - 12:10 AM

SHARON CUNETA AT KRIS AQUINO

SHARON CUNETA AT KRIS AQUINO

MASALIMUOT ang mga naging pahayag ni Sharon Cuneta sa kanyang pinakahuling post. Marami tuloy ang nagsasabing kinakabog niya sa pag-eemowt si Kris Aquino na nakatali naman ang dila at mga daliri ngayon sa paglalabas ng kanyang mga saloobin sa social media.

Matagal nang nagpahinga sa pagpo-post si Sharon, minsan na kasi siyang pinakain ng apdo at ampalaya ng publiko dahil sa madalas niyang paglalabas ng kung anu-anong kuwento tungkol sa kanyang buhay, kaya tumigil siya nang mahaba-haba ring panahon.

Kung ang mga tunay na nakakakilala sa Megastar ang tatanungin ay isa lang ang kayang sabihin ng mga ito, may pinagdadaanan talaga siya ngayon, malalim ang kanyang hugot.

“Hindi siya magkakaganyan kung kaya pa niyang dalhin ang mga problema niya. Madalas niyang sabihin na it’s lonely at the top, mahirap daw magtiwala agad sa ibang tao, kaya siguradong may nagbibigay ng problema sa kanya ngayon.

“Remember, marami siyang emote nu’n tungkol sa mga taong kadugo pa naman siya, pero ayaw siyang tantanan.

“It has something to do with money and mana, siguro, may nambubulabog na naman sa kanya ngayon,” litanya ng isang impormanteng kilalang-kilala ang singer-actress at ang kanyang emosyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending