Quantcast
Sa mga nawawalan na ng pag-asang magkadyowa

Eugene: Kung nangyari sa akin, imposibleng hindi mangyari sa inyo!

Celebrity Bluff mas magiging riot dahil kay Edu; Boobay swerte sa GMA

By

EUGENE DOMINGO

EUGENE DOMINGO

“KUNG nangyari sa akin, imposibleng hindi mangyari sa inyo!” Ito ang mariing sinabi ni Eugene Domingo patungkol sa pagdating ng kanyang “forever”.

Super in love ngayon si Uge sa kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni at umaasa siya na pang-forever na ang kanilang relasyon.

“I’m very inspired. I’m very thankful to God na umabot pa ako sa ganito. I cannot describe the happiness,” pahayag ni Uge sa presscon ng pagbabalik ng original comedy game show sa bansa, ang Celebrity Bluff.

Natutuwa ang TV host-comedienne na maraming Pinoy ang nai-inspire sa kuwento ng kanyang love story kaya sa mga nawawalan na ng pag-asa sa usaping lovelife

“Kapag ang isang pangyayari sa buhay mo ay nasa tamang panahon, nararamdaman ng lahat, e. Hindi mo na kailangan ng mahabang-mahabang paliwanag pa.

“They know and they feel that it’s really the right time, and they’re happy to see you happy. Everybody’s just like feels the happiness for you, and they’re like very thankful that it happened to you,” paliwanag ng komedyana.

Hindi naman daw in-expect ni Uge ang pagdating ni Danilo sa buhay niya, “I really did not expect it. But I know I’ve been praying to God to please take care of my heart, and He did. It’s a blessing and I cannot stop thanking the Lord for giving me such a gift, a gift of love.”

Hindi pa raw nagpo-propose si Danilo kay Uge kaya ang biro niya, “Malapit na ako mag-propose! Ngayon, pinag-aaralan ko na. Pinag-aaralan ko lang in Italian. Kasi yung mother niya, hindi marunong mag-English, so me-memorize-in ko muna in Italian.”

Pero pagseseryoso ni Eugene, “Wala pang mga ganu’n. We’re just taking time. Mas pinag-uusapan namin where to settle kasi, you know, we love to travel. Mas napag-uusapan namin ang schedule kasi hindi naman kami atat na atat.”

q q q

Speaking of Celebrity Bluff, makakasama muli ni Eugene bilang isa sa mga bluffer si Boobay na isa sa mga mabebentang gay comedian sa GMA. In fairness, parang hindi nalagay sa alanganin ang buhay ni Boobay dahil todo-todo na naman ang pagtatrabaho niya.

Nandiyan din ang award winning TV host-actor na si Edu Manzano. Yes, magiging master bluffer na ng CB si Doods kaya siguradong riot ang bawat episode ng programa.

At para sa pilot episode ng show, siguradong matutuwa ang AlDub fans dahil makakasama ng tropa ang Pambansang Bae na si Alden Richards bilang special bluffer with veteran comedian Brod Pete.

Bukod dito, ibinalita rin ni Uge na magiging special celebrity contestants nila ang cast ng Mulawin vs Ravena na malapit n’yo nang mapanood sa GMA Telebabad kapalit ng Encantadia.

May special participation din sa programa ang all-male group na One Up na siya ring kumanta ng theme song ng Celebrity Bluff.

“Mas exciting, mas nakaka-suspense, at saka yung mga information na hatid namin napaka-tricky. At the same time nariyan pa rin ang mga comedy skit,” sey ni Uge.

Mapapanood na ang bagong season ng Celebrity Bluff sa GMA 7 simula sa June 3 after Magpakailanman under the direction of Rico Gutierrez.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement