Hugot line ni Neil kay Angel: Kapag lumingon ka, akin ka! | Bandera

Hugot line ni Neil kay Angel: Kapag lumingon ka, akin ka!

Ervin Santiago |May 12,2017
facebook
share this

Hugot line ni Neil kay Angel: Kapag lumingon ka, akin ka!

Ervin Santiago - May 12, 2017 - 12:20 AM

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

KAHIT hindi pa umaamin, marami ang naniniwala na may namamagitan ng “something” sa pagitan ni Kapamilya actress Angel Locsin at sa producer na si Neil Arce, ang ex-boyfriend ni Bela Padilla.

Naniniwala ang mga followers nina Angel at Neil sa social media na inililihim lang ng dalawa ang tunay nilang relasyon sa madlang pipol para iwas-intriga. Less talk nga naman means less mistakes.

Pero kahapon, inulan ng tukso sina Angel at Neil mula sa kanilang mga kaibigan at ilang netizens dahil sa makahulugang post ng ex-dyowa ni Bela sa kanyang Instagram account.

Kinunan ni Neil si Angel ng snapshot habang nasa loob sila ng kotse. Nilagyan niya ito ng caption na: “Pag lumingon ka akin ka.” Ni-like agad ito ng Kapamilya actress.

May nag-comment na ang hugot line na ginamit ni Neil ay mula sa 2011 movie nina Angel at Aga Muhlach na “In the Name Of Love.” Ito ‘yung eksena kung saan bumulong si Angel bilang si Cedes ng, “Pag lumingon ka akin ka” na patungkol kay Emman (Aga) habang palayo ito sa kanya kasama ang ibang babae.

Nag-comment din ang BFF ni Angel na si Bubbles Paraiso, anito, “Hahahaha I remember this line.”
Sey naman ni Neri Naig, asawa ni Chito Miranda na kilala ring close friend din ni Angel, “Cute nyong dalawa.”

Unang nagpahiwatig sa social media si Neil ng kanyang feelings kay Angel noong mag-celebrate ang dalaga ng kanyang 32nd birthday. Binigyan ni Neil ng surprise birthday salubong ang kanyang rumored girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending