Ronnie Liang dinila-dilaan ng fans; Jem Cubil sinampal habang kumakanta | Bandera

Ronnie Liang dinila-dilaan ng fans; Jem Cubil sinampal habang kumakanta

Djan Magbanua |May 11,2017
facebook
share this

Ronnie Liang dinila-dilaan ng fans; Jem Cubil sinampal habang kumakanta

Djan Magbanua - May 11, 2017 - 12:05 AM

ronnie liang at jem cubil

GAME na game na nakipagkulitan at nakipagchikahan sa programang “#ShowbizLive” (tuwing Miyerkules, 8 p.m. sa Inquirer Radyo, Inquirer 990 TV at sa Facebook Live ng Bandera at Inquirer.Net) ang magagaling na singer na sina Ronnie Liang at Jem Cubil.

Naging gabi ng hugot songs ang nasabing episode ng “#ShowbizLive” hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla dahil nagpasampol ng lang kanta ang dalawang gwapong singer who are being handled by Viva Artist Agency.

Ayon kay Ronnie, aside from his singing career, busy din siya ngayon with two upcoming films, ang “Fanboy/Fangirl” kung saan makakasama niya ang loveteam nina Julian Trono at Ella Cruz, at ang pelikulang pagsasamahan naman nina Bela Padilla and JC Santos. On top of this, he is also promoting his latest album, ang “Ronnie Liang Songs of Love,” na mapapakinggan na rin sa Spotify.

Fresh face naman ang artistahin ding si Jem Cubil, na naging finalist sa Pilipinas Got Talent at The Voice Season 2 kung saan naging coach niya si Lea Salonga.

“Honestly, it was nerve-wracking kasi pagpasok mo pa lang nakatalikod sila. You’ll never know what will happen. So nasa isip ko lang is to sing from my heart,” pag-alaala ng binata sa kanyang blind audition. Kinumpirma niya na talagang strict si Lea bilang coach kaya talagang marami kang matututunan.

Natanong ng mga host kay Ronnie kung nami-miss na ba niya ang umakting sa TV? “Nakaka-miss din siyempre yung mag-acting sa TV pero may ginagawa naman ako ngayong dalawang movies, may third pa, pero hindi ko pa alam ang details, but the lead stars will be Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.”

Naging kontrobersyal ang huling indie movie ni Ronnie, ang “Esoterika: Maynila,” kung saan talagang na challenge ang singer-actor, lalo na sa mga for-adults only na eksenang ginawa niya roon. Pangarap talaga ni Ronnie ang maging artista kaya raw halos 300 beses na siyang nag-audition.

Pero mas una siyang nabigyan ng chance sa music industry nang maging bahagi ng reality talent search na Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN kung saan nanalo si Yeng Constantino. Nag-join din daw siya sa Pinoy Pop Superstar ng GMA na pinanalunan naman ni Gerald Santos kung saan na-disqualify daw siya.

Inalaala naman ni Jem ang pinagdaan niya bago siya naka-penetrate sa music industry at maging bahagi ng VAA.

“In terms of acting dati rin naman while watching TV ganoon din yung gusto kong mangyari. Pero I was more on the music side kasi I wanted to share to people what I do in singing. Nag-audition lang ako first sa Pilipinas Got Talent. It’s more of wanting to be confident in singing and not like winning the competition,” kwento ni Jem.

Memorable din sa kanya ang pagsali sa The Voice dahil dito niya nakita ang pag-evolve niya bilang performer.

Nagkaroon kami ng chance na makausap pa sina Ronnie at Jem sa after #ShowbizLive session. We asked them to tell us, ano ang pinaka-nakakalokang ginawa ng fans sa kanila.

For Jem, one time raw habang kumakanta siya, isang nanonood ang lumapit sa kanya at bigla na lang siyang sinampal na walang dahilan. Napahinto raw siya noon sa pagkanta dahil sa gulat.

Grabe rin ang isang nangyari kay Ronnie sa Abra, nakunan pa ito ng video ng isang fan kung saan nirepost niya sa kanyang social media account.

“Show ko sa Abra. Nahila ako ng isang babaeng fan. Siyempre masikip yung daan, may nakalusot. Hinila ako kung saan yung grupo niya tapos dinila-dilaan nila ako. Ako naman nakapikit na lang. Alam mo yung dila, gumaganu’n,” natatawang kwento ng binata with matching akting ng pagdila.

Sweetest naman na ginawa ng fan kay Ronnie ay nangyari sa album tour niya, nang makita raw nito na may limang album pang natitira pagkatapos ng mall show ay binili na nito ang lahat.

Na-touch naman si Jem nang bigyan siya ng gitara ng isang fan kung saan nakasulat ang maraming messages ng kanyang supporters.

Sa lovelife naman, paraheong gustong mag-focus muna sa work ang dalawang binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero huwag munang magsaya ang fans dahil nang tanungin namin kung may chance ba na ma-in love sila sa isang fan, mukhang imposible raw itong mangyari.

For Ronnie, tingin niya dapat may wall pa rin between him and the fans kahit paano. Um-agree naman si Jem kay Ronnie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending