Juday natakot sa pagbabalik-TV: Kilala kayo ako ng millennials? | Bandera

Juday natakot sa pagbabalik-TV: Kilala kayo ako ng millennials?

Ervin Santiago |May 08,2017
facebook
share this

Juday natakot sa pagbabalik-TV: Kilala kayo ako ng millennials?

Ervin Santiago - May 08, 2017 - 12:10 AM

judy ann santos

INAMIN ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos na natakot din siyang magbalik sa telebisyon dahil feeling niya ay hindi na siya kilala ng mga tao.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Juday na nagdalawang-isip siya kung tatanggapin pa ba ang offer ng ABS-CBN para sa kanyang comeback, “May mga moments din naman ako na parang,

‘Makakabalik pa ba ako? Kilala kayo ako ng millenials? Paano ba ito?’

“I have doubts with myself, I have doubts with my skill. Kumbaga, minsan nandoon ka sa posisyon kung paano ko ba ipapasok ulit ang sarili ko?” aniya pa.

At ito na nga, muling mapapanood ang award-winning actress para sa season 3 ng Bet On Your Baby.

Nang tanungin kung ano ang masasabi niya about sa marriage nila ni Ryan A-goncillo, tugon ni Juday, “Marriage is always a work in a progress. We have a new baby. All of a sudden there’s this automatic switch na nag turn-on lang na, ah ito na pala yung routine natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending