Gerald hindi raw nakakalimot: Si Kim ang pundasyon ng career ko! | Bandera

Gerald hindi raw nakakalimot: Si Kim ang pundasyon ng career ko!

Ervin Santiago |May 06,2017
facebook
share this

Gerald hindi raw nakakalimot: Si Kim ang pundasyon ng career ko!

Ervin Santiago - May 06, 2017 - 12:15 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

MAGANDA at impressive ang naging pilot week ng reunion daytime teleserye nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa ABS-CBN.

Nakilala na ng madlang pipol ang mga pangunahing karakter sa Ikaw Lang Ang Iibigin at kung gaano ka-exciting ang mga magiging kaganapan sa mga susunod na episode, lalo na kapag nagkasama-sama na ang apat na lead stars na sina Kim, Gerald, Jake Cuenca at Coleen Garcia bilang mga palabang triathletes.

Napanood na rin natin ang mga pinaghuhugutan ng mga karakter nina Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Daniel Fernando, Gina Pareño at Michael de Mesa kaya kailangang abangan ninyo araw-araw ang mga matitinding eksena nila sa serye, lalo na sina Bing at Ayen na dating mag-BFF pero magiging mortal na magkaaway kapag sumabog na ang pinakatagu-tagong lihim ni Daniel matapos itong makulong nang mahabang taon.

Samantala, araw-araw ding trending sa social media ang bawat episode ng ILAI, patunay na talagang super na-miss ng Kimerald fans ang dating magdyowa. In fairness, puro positive ang mga nababasana naming feedbacks mula sa mga manonood tungkol sa serye nina Gerald at Kim kaya naman mas lalong ginanahan ang buong cast at production sa kanilang pagtatrabaho.

Sabi nga ni Gerald sa isang panayam, tama ang desisyon nila ni Kim na pagbigyan ang mga loyalistang Kimerald sa matagal na nilang request na magsama uli sila sa isang teleserye.

Aniya, mananatiling bahagi si Kim ng kanyang buhay at kung nasaan siya ngayon, “Kumbaga kung yung career ko ay parang isang bahay, si Kim yung foundation ng bahay na yan. Of course, alam ko kung saan ako nanggaling.

“Yan ang importante eh dapat laging nagpapasalamat. Sinasabi ko na hindi ako masyado vocal na tao pagdating sa mga emotions pero alam ko kung saan yung pinanggalingan ko,” pahayag pa ng binata.

Samantala, inamin ni Gerald na hindi naging madali ang naging paghahanda nila para sa Ikaw Lang Ang Iibigin, “Bago sa akin in-offer itong show, nakapag-triathlon ako ng isang beses and then once na na-cross ko yung finish line sinabi ko sa sarili ko na gusto ko i-share ito sa mga kaibigan ko itong feeling na ito na may fulfillment, meron kang challenge at tinapos mo yung challenge na yan. Kaya nu’ng in-offer sa akin ito umoo agad ako. At itong sport na ito hindi mo puwedeng dayain.”

Napapanood ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending