Boy pinaiyak ni Daniel; saludo sa tapang ni Karla | Bandera

Boy pinaiyak ni Daniel; saludo sa tapang ni Karla

|May 04,2017
facebook
share this

Boy pinaiyak ni Daniel; saludo sa tapang ni Karla

- May 04, 2017 - 12:05 AM

boy daniel karla

MANGIYAK-NGIYAK ang award-winning TV host na si Boy Abunda nang magbigay ng mensahe ang King Of Hearts na si Daniel Padilla sa morning show na Magandang Buhay kahapon.

Ramdam na ramdam daw kasi niya ang sinseridad ni DJ sa mga sinabi nito, pati na rin ang ina ng aktor na si Karla Estrada na isa sa mga host ng show.

Sey ni Daniel, “Simula pa lang noong unang interview mo sa akin The Buzz, sa Gimik 2010, talagang naramdaman ko na ang pagmamahal mo sa akin at kay Kathryn (Bernardo).”

Dugtong pa ng binata, “‘Yung tulong, mga payo mo sa akin. Marami akong natutunan sa iyo Tito Boy, tuwing nag-uusap tayong dalawa. Isa kang idol, napakagaling mong tao. Kaya wala akong masabi kung hindi thank you sa pagmamahal mo sa amin, sa pag-protekta sa amin at ;yung pagmamahal po ang the best. So thank you, Tito Boy.”

Naging emosyonal si Boy Abunda sa panayam na iyon dahil alam niya ang lahat ng hirap na pinagdaanan ng ina nitong si Karla.

“I’m very emotional about DJ because I’m so proud that Karla raised her children, including DJ, to be very good people. I’m very emotional because Karla represents a story of inspiration.

“Tinitingnan ko ang babaeng ito nagbibiro, nagloloka-lokohan, pero beneath all these is a story of a woman who persevered, who fought back to the best she could because she wanted the best life for her children,” pahayag at mensahe ng TV host kina Daniel at Karla, na talagang hindi na napigilang maiyak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending