Sino kina Iza, Sarah G at KC ang magpapakasal sa April 28, 2018? | Bandera

Sino kina Iza, Sarah G at KC ang magpapakasal sa April 28, 2018?

|May 03,2017
facebook
share this

Sino kina Iza, Sarah G at KC ang magpapakasal sa April 28, 2018?

- May 03, 2017 - 12:01 AM

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang kilalang celebrity couple na nakatakda nang ikasal sa April 28, 2018.

Ito’y matapos mag-post sa kanyang Instagram account ang manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer tungkol sa magaganap na kasalan.

Bago ito, ibinalita ni Noel habang ginaganap ang 8th wedding anniversary celebration nina Ryan at Judy Ann Santos na magkakaroon sana ng paghahagis ng bouquet of flowers pagkatapos ng wedding ceremony pero hindi na nga ito natuloy.

Ito’y dahil may celebrity couple na nga (na kabilang extended family circle nina Juday at Ryan) ang magpapakasal sa April 28, 2018. Tatlong partners ang ibinigay ng talent manager para hulaan ng kanyang followers, sina KC Concepcion at Aly Borromeo, Iza Calzado at Ben Wintle at Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Dugtong pa ni Noel, “Fr. Tito Caluag has already saved it in his calendar. Until the next auspicious wedding date. See you all.”

Sa mga nabanggit na pangalan, tanging si Iza pa lang ang nag-react sa kanyang IG account, aniya, “Kalokaaaaaa!!!! Hahahaha!!!”

Paniwala naman ng mga followers ni Sarah, mukhang imposibleng sila ni Matteo ang nakatakdang ikasal next year dahil mismong ang magdyowa na ang nagsabi na wala pa sa mga priorities nila sa buhay ngayon ang bumuo ng sariling pamilya.

Sa naging reaksyon naman ni Iza, tila nagpahiwatig na ito na hindi siya ang tinutukoy sa “blind item” dahil kung siya nga ‘yun, siguradong mananahimik lamang siya.

Ang hula ng marami, baka raw sina KC at Aly ang tinutukoy sa pahulaan ng manager ni Ryan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending