Malungkot ang nag-iisa (2) | Bandera

Malungkot ang nag-iisa (2)

Joseph Greenfield |May 01,2017
facebook
share this

Malungkot ang nag-iisa (2)

Joseph Greenfield - May 01, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Tina ng Banate, Malungon, Sarangani Province
Problema:
1. Nakakalungkot po ang buhay ko kung iisipin, kasi tatlo kaming magkakapatid na puro babae, tapos ako ang panganay. Maagang nawala ang tatay ko kaya napilitan akong magworking student at pagkatapos ay pinag-aral ko sa college ang mga kapatid ko. Nang makatapos na sila ng pag-aaral, nagsipag asawa na sila at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya habang ako naman ay nanatiling dalaga. Nalibang siguro ako sa pagtuturo kaya nadatnan ko na lang na matanda na ako sa edad na 41 na sa ngayon. Gusto ko sanang mag-asawa at magkaroon ng makakasama, kasi ngayon ko nararamdaman ang sobrang lungkot na mag-isa.
2. Sa palagay nyo Sir Greenfield makapag-aasawa pa kaya ako? Kung oo, kailan kaya at kapag ako nakapag-asawa magkaka-anak pa kaya ako? June 30, 1975 ang birthday ko.
Umaasa,
Tina ng Sarangani Province
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, isang lalaking isinilang sa zodiac sign mong Scorpio ang biglang darating at walang ano-ano habang pumapatak ang ulan siya ang una at huling magiging boyfriend mo.
Graphology:
Upang mas madaling matupad ang pag-aanalisa sa itaas, mas makabubuting buuin mo ang ilalim na bahagi ng letrang “y” sa iyong lagda. Kung saan, kung lalagyan mo na “bilog na buntot” ang letrang “y” sa iyong pirma, kusang lalakas ang iyong sex appeal at tulad ng nasabi na sa taong ito ng 2017, magkaka-boyfriend ka na.
Numerology:
Ang birth date mong 30 ay nagsasabing ang lalaking nabanggit na magiging first and last boyfriend mo ay isinilang sa petsang 6, 15 at 25.
Huling payo at paalala:
Tina ayon sa iyong kapalaran, ang pagkakaroon ng boyfriend ay hindi da-pat kainipan, sapagkat ito ay kusang darating sa iyong tadhana. At ito ay mangyayari sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Setyembre sa edad mong 42 pataas, hatid ng isang lala-king may initial na R.A. na sa susunod na taong 2018, ay tuluyan mo na ring makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na bibiyayaan ng isang mata-linong lalaking supling at may sa pa uling maganda at listang babaing sanggol ang darating na kukumpleto sa masayang pagmamahalan ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending