Gary tuloy ang adbokasiya para sa mga magagaling na singer sa Pinas | Bandera

Gary tuloy ang adbokasiya para sa mga magagaling na singer sa Pinas

Reggee Bonoan |May 01,2017
facebook
share this

Gary tuloy ang adbokasiya para sa mga magagaling na singer sa Pinas

Reggee Bonoan - May 01, 2017 - 12:10 AM

GARY VALENCIANO

GARY VALENCIANO

SA ginanap na Thanksgiving Videoke Party ni Gary Valenciano sa Polari Music Hub sa Q.C. kamakailan ay late nang nag-uwian ang imbitadong entertainment press. Super nag-enjoy kasi ang lahat sa sorpresang production numbers ni Mr. Pure Energy.

Ang nasabing event ay bilang bahagi rin ng selebrasyon para sa 34th year anniversary ni Gary sa industriya kung saan naki-jam pa sa kanya ang ilang katoto. Hindi nga i-nakala ni Gary na may mga press palang magagaling ding kumanta kaya mas ginanahan pa siyang mag-perform.

Bago naman ang videoke party ay nagpakitang-gilas muna ang lahat ng naging special guests ni Gary sa nakaraang shows niya sa The Theater Solaire. Sa pangunguna nina Suklay Diva Katrina Velarde, Tim Pavino, Janice Javier, RJ Dela Fuente (na super crush pala si Maja Salvador), Allan Silonga ng Daddy’s Home, ang classical-pop singer na si Lara Maigue ng Philippine Pop, at ang theater actress na si Carla Laforteza na gumanap na Kim sa Miss Saigon sa London.

Bago humataw sa dance floor si Gary ay kinanta muna niya ang phenomenal hit song at theme song ng FPJ’s Ang Probinsyano na “Huwag Ka Nang Umiyak”. Classic hits niya ang kinanta ni Mr. Pure Energy kaya naman humataw din sa dance floor ang ilang katoto.

May huling hirit ang “Gary V Presents” sa The Theatre @Solaire simula Mayo 12?, 13, 19, at 20, 8 p.m. sa direksyon pa rin ni Paolo Valenciano.

Ang pinaka-objective ng “Gary V Presents” ay mabigyan ng mainstream platform ang mga deserving artists na pakiramdam ni Gary ay kailangan ng mas malaki at mas malawak na venue para maibandera sa buong mundo ang kanilang talent sa iba’t ibang genre.

Ang unang “Gary V Presents” ay ginanap noong Nobyembre, 2015 at ang concert franchise series na ito ay nanganak ng tatlo pang pagtatanghal due to insistent public demand.

Bukod sa mga guest na nabanggit namin na present sa thanksgiving videoke party, kasama rin sa season finale ang R&B singer na si Jimmy Marquez, indie artist Bullet Dumas na produkto ng taunang Elements Songwriting Camp at ang unica hija ni Gary V na si Kiana Valenciano. Bilang added treat makakasama rin dito sina Jason at Joshua Zamora mga orihinal na miyembro ng The Manoeuvres at ang Addlib Dancers.

Say ng isa sa mga naging judge sa Your Face Sounds Fami-liar, “Season finale ang tawag namin sa Gary V Presents na itatanghal namin ngayon sapagkat ibang mga artist na ang ipi-feature namin pag nagbalik ito sa mga darating na araw.”

“Nais kong ituloy ang aking adbokasiya na bigyan ang mga artists ng mas malaking platform upang ma-showcase ang kanilang musika sa mas malawak na audience and I’ll be on the look out for a new set of artists. But of course, the original cast of Gary V Presents will always have a special place in my heart,” pahayag ng isa sa mga nirerespetong music icon.

Mapupunta ang proceeds ng “Gary V Presents” sa diabetes at scholarship programs ng Shining Light Foundation.

Samantala, paalis din ang King of OPM for a series of shows sa North America nga-yong taon: M Resort, Las Vegas sa Mayo 27; sa Pechanga Resort And Casino sa Hunyo 3;? kasama naman sina Kiana Valenciano at Katrina Velarde; at sa Pasadena Civic Auditorium sa Hunyo 10?; at join ulit si Katrina Velarde with Sam Concepcion at Kiana Valenciano.

Sa Hunyo 12 ipagdiriwang naman ni Gary ang selebrasyon ng Philippine Independence Day sa Salt Lake City, Utah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga tikets tumawag sa TicketWorld (?891-9999) o bisitahin ang visit www.ticketworld.com.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending