Gerald: Napakaswerte ng lalaking mamahalin ni Kim, she's perfect! | Bandera

Gerald: Napakaswerte ng lalaking mamahalin ni Kim, she’s perfect!

Ervin Santiago |May 01,2017
facebook
share this

Gerald: Napakaswerte ng lalaking mamahalin ni Kim, she’s perfect!

Ervin Santiago - May 01, 2017 - 12:01 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga loyalistang KimErald fans – hanggang ngayon ay umaasa pa rin sila na sa ending ay sina Kim Chiu at Gerald Anderson pa rin ang magkakatuluyan.

Ngayong Lunes, bago mag-It’s Showtime ay mapapanood na ang reunion teleserye ng dating magkarelasyon, ang Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan makakasama rin nila sina Jake Cuenca at Coleen Garcia.

Very open na sina Gerald at Kim na pag-usapan ang kanilang nakaraan, patunay na talagang naka-move on na sila maiskandalong break-up na kinasangkutan nila in the past. Sa katunayan, natatawa na lang ang dalawa habang binabalikan ang mga nangyari noon.

Inamin ni Gerald na kasalanan niya kung bakit naghiwalay sila ni Kim noong 2010. Sa panayam ng Tonight with Boy Abunda sinabi ng aktor na immature pa siya noong mga panahong iyon.

“Sa totoo lang, kung paano po siya magmahal, sobrang perfect na, eh. Bilang isang lalaki, ako po talaga i-yong immature, hindi ko pa bina-value kung ano pang mayroon ako noon. Kapag nagmahal siya, buong-buo, eh. So napakasuwerte ng mamahalin niya,” ani Gerald patungkol kay Kim.

Diretso namang sinagot ni Kim ang tanong ni Boy Abunda kung siniraan ba nila ang isa’t isa after the break-up, “Oo, hindi ko naman ide-deny sa kanya yun! Hindi, part po yun ng moving on.

“Tingnan mo naman ngayon, nasasabi ko na sa kanya, siniraan! Pero yung ibang sinabi ko noon, totoo. Yung iba sira lang,” ani Kim.

May payo naman si Kim kay Gerald tungkol sa love, “Value who or what you have.”

Ayon naman kay Gerald, ang muli nilang pagsasama sa Ikaw Lang Ang Iibigin na mag-uumpisa na nga ngayong Labor Day, May 1 sa direksyon nina Dan Villegas at Onat Diaz under Dreamscape Productions, ay isang napa-kagandang opportunity para sa kanila ni Kim.

“Ngayon, ito po kasi yung opportunity na makapag-catch up po kami at kumbaga may pinagsamahan kami, pero it’s like I’m getting to know her again.”

Hirit naman ni Kim, “Naloloko-loko ko na siya, joke time-joke time, okey na yung ganu’n sa amin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At yan din ang nakitang opportunity ng KimErald fans para magkabalikan ang dalawa dahil until now ay naniniwala pa rin sila na sina Kim at Gerald ang itinadhana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending