Charice minalas ang career, nasira ang pamilya mula nang maging dyowa si Alyssa | Bandera

Charice minalas ang career, nasira ang pamilya mula nang maging dyowa si Alyssa

Cristy Fermin |May 01,2017
facebook
share this

Charice minalas ang career, nasira ang pamilya mula nang maging dyowa si Alyssa

Cristy Fermin - May 01, 2017 - 12:05 AM

CHARICE AT ALLYSA QUIJANO

CHARICE AT ALLYSA QUIJANO

HANGGANG hindi nasisira ang boses ni Charice Pempengco ay makababawi pa rin siya sa kabila ng paghihiwalay nila ni Alyssa Quijano. Hindi dapat huminto ang ikot ng mundo ng magaling na international singer nang dahil lang sa pagkasira ng relasyon nila.

Totoong napakalaki ng nawala kay Charice nitong mga huling panahon at ang senaryong ‘yun ay isinisisi ng mas nakararami sa kanyang paglalantad ng tunay niyang gender.

Sana raw ay naging discreet si Charice. Sana raw ay sinarili na lang muna niya ang katotohanan dahil may career siyang maaaring maapektuhan dahil sa kanyang pagpapakatotoo.

Napakakinang ng pa-ngalan nu’n ni Charice sa international scene. Palagi siyang isinasama ng record producer na si David Foster sa mga concert nito, puro matitinding banyagang singers ang kasama niyang nagpe-perform, “The pride of the Philippines” kung ipakilala siya ni David Foster.

Pero mula nga nang mag-come-out si Charice ay tumamlay ang kanyang karera, may kung anong humarang sa masiglang daloy ng kanyang singing career, inalat siya nang maging sila na ni Alyssa Quijano.

At hindi lang ang career niya ang naapektuhan, pati ang relasyon ni Charice sa kanyang pamilya ay nasira, kaya ngayong hiwalay na sila ni Alyssa ay napakaraming dapat tutukan-asikasuhin si Charice.

Pero nandiyan pa rin ang kanyang puhunan, magaling pa rin siyang performer, kaya ang pagbawi sa nawalang panahon sa kanya ay mabilis din niyang mahahabol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending