Maddela chief of police lumutang na matapos dukutin ng NPA sa  Quirino | Bandera

Maddela chief of police lumutang na matapos dukutin ng NPA sa  Quirino

|April 30,2017
facebook
share this

Maddela chief of police lumutang na matapos dukutin ng NPA sa  Quirino

- April 30, 2017 - 06:21 PM

Maddela-Quirino-Wikipedia-250px-Ph_locator_quirino_maddela

LUMUTANG na ang  chief of police ng  Maddela, Quirino matapos dukutin ng mga miyembro ng New People’s Army  (NPA) nang lusubin ang lokal na police station kagabi, ayon sa pulisya.

Tinangay si Chief Insp. Jhun-jhun Balisi, Maddela police chief, ng daan-daang armadong kalalakihan na bumaril at nakapatay kay PO2 Jerome Cardenas, ng  Maddela police.

Nauna nang napaulat na dinukot ang nakaduty na opisyal na si  SPO4 Antonio Siriban at isang pulis na si PO2 Albano, bagamat pinakawalan din kahapon ng umaga.

Inako ng  NPA Venerando Villacillo Command ang isinagawang raid na nagresulta sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Tinangay ng mga rebelde ang mga baril ng mga pulis at tatlong sasakyan bago tumakas papuntang paanan ng burol sa barangay  Manglad.

Sinunog din umano ng mga armadong lalaki ang isang  dump truck na pagmamay-ari ng RBI Jr. Construction Company, na gumagawa ng daan sa lugar.

Nagtayo na ng mga checkpoint sa lahat ng posibleng daanan ng mga armadong lalaki sa mga probinsiya ng Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending