Horoscope, April 30, 2017 | Bandera

Horoscope, April 30, 2017

Madam Sophia |April 30,2017
facebook
share this

Horoscope, April 30, 2017

Madam Sophia - April 30, 2017 - 01:55 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Mayo na bukas at sa panahong ito, magtutuloy-tuloy na ang magandang kapalara lalo na sa pinansyal at pag-ibig. Ang mahalaga pagdating ng Mayo, lagi kang magsuot ng kulay na red at laging amoy bagong paligo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 35 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa red buenas din ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa panahon ngayon, makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang swimming. Lucky perfume: Cinnamon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Buwan ng Mayo na bukas! Upang suwertehin sa pag-ibig at materyal na bagay, sa unang patak ng ulan sa Mayo, maligo ka. Lucky perfume: Amber. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel”. Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang masagap ang magandang kapalaran kapag muling bumuhos ang ulan magtanim ng gulay sa likod bahay. Sa pag-ibig, kung bubuhos ang unang ulan sa buwan ng Mayo sabay kayong maligo ng minamahal. Lucky perfume: Cloves. Mapalad ang 5, 14, 32, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Upang mas makatipid at makapag-save ng pera, ngayon pa lang mamili ka na ng mga gamit para sa nalalapit na pasukan. Sa pag-ibig, sa maagang pagsha-shopping wag kakalimutang ibili ang kasuyo ng kulay green na t-shirt. Lucky perfume: Violets. Mapalad ang 6, 15, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Apple green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Isang Aries ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang kikiliti sa iyong damdamin. Lucky perfume: Lemon. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 8, 10, 28, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Bilis ang susi upang yumaman! Sa pag-ibig, positibo ang magaganap kung magpaparamdam ka agad ng pag-ibig sa iyong minamahal. Lucky perfume: Jasmine. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Iwasang pagmayabangan ang kasuyo lalo na’t gagawin mo ang isang bagay na hindi mo naman kaya – relaks lang sa romansa. Sa pinansyal, hindi dapat gumastos ng malaking halaga sa pakikipag-date, simpleng date lang ang dapat. Lucky perfume: Versace. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sunod lang ng sunod sa mga nakatataas. Sa ganyang paraan mas malaki ang kikitain mo at makukumisyon. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na sa panahon ngayon mas mahalaga pa rin ang salapi kaysa sa prinsipyo. Lucky perfume: Musk. Mapalad ang 2, 9, 23, 27, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa darating na Flores de Mayo, habang nagpo-prosisyon makikilala mo na siya – isang Aries na noon pa sa iyo humahanga. Lucky perfume: Charlie. Mapalad ang 3, 12, 18, 27, 38 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Pagpasok na pagpasok ng buwan ng Mayo mag-invest sa mga kalakal na may kaugnayan sa agrikultura upang tuluy-tuloy kang umasenso at sumagana. Sa pag-ibig, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Lucky perfume: Sandal. Mapalad ang 6, 9, 18, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansyal, makihalubilo sa lipunan, sa isang pagtitipon, may magandang kapalarang mapupulot. Sa pag-ibig, balikan ang isang dating kaibigang matagal ka ng hinihintay. Lucky perfume: Camphor. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Brown at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Balikan ang mga lugar na una nyong pinag-date(tan). Sa pinansiyal, higit na mas mahalaga ang isang tunay at wagas na pag-ibig kaysa sa limpak-limpak na salapi. Lucky perfume: Currants. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending