Kontrobersiyal na opisyal mag-oober da bakod na? | Bandera

Kontrobersiyal na opisyal mag-oober da bakod na?

Bella Cariaso |April 30,2017
facebook
share this

Kontrobersiyal na opisyal mag-oober da bakod na?

Bella Cariaso - April 30, 2017 - 12:10 AM

DA who ang isang opisyal na balitang-balitang mag-oober da bakod sa ibang ahensiya ng pamahalaan dahil isinusuka ng kapwa niya mga nakaupong opisyal.

Halos araw-araw ay nakikita ang kontrobersiyal na opisyal na nagtutungo sa opisina ng pinuno ng isang departamento sa Maynila gayong ang opisina na kanyang pinagtatrabuhan ay nasa Quezon City.

Hanggang Setyembre ang termino ng opisyal na tatawagin nating si M sa opisina kung saan siya itinalaga dahil taun-taon ang renewal ng appointment ng board kung saan siya kabilang.

Pero dahil balitang kaaway niya ang lahat ng kapwa opisyal dahil sa kanyang primadonang pag-uugali, halos hindi na siya pumupunta sa kanyang opisina.

Nitong nakaraang mga araw, lagi ngang napagkakakita si M sa opisina ni Mr. Secretary.

Bagay naman si M sa opisina ni Mr. Secretary dahil sa sobrang kadaldalan nito at laging pang-aaway sa mga hindi umaayon sa kanyang paniniwala.

Baka nga makatulong si M kay Mr. Secretary, bagamat hindi rin siya kilalang ma-PR.

Hindi kasi siya bagay sa kasalukuyan niyang posisyon dahil bukod sa wala siyang moral ascendancy, hindi niya kasundo ang kanyang mga katrabaho.

Napakalakas nga lang ni M dahil nakasama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Middle East kahit pa wala namang kinalaman sa kasalukuyan niyang posisyon ang mga naturang foreign trips.

Sino ang tinutukoy ko? Balitang-balita ang closeness nila ni Mr. Secretary na itago na rin sa inisyal na M.

Balitang nag-bonding ang dalawa matapos kapwa kasama sa biyahe sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

May asawa na si Mr. Secretary at galing sa maimpluwensiyang pamilya ang kanyang napangasawa.

Kilalang single naman si M bagamat tinatawag siya na “teacher” ng ilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alam nyo na siguro ang tinutukoy ko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending