Maine sa bastos na bashers: Ang weird, pero hindi na ako apektado! | Bandera

Maine sa bastos na bashers: Ang weird, pero hindi na ako apektado!

Ervin Santiago |April 30,2017
facebook
share this

Maine sa bastos na bashers: Ang weird, pero hindi na ako apektado!

Ervin Santiago - April 30, 2017 - 12:05 AM

maine mendoza
SIGURADONG ngayon pa lang ay atat na atat nang mabasa ng AlDub Nation ang ginagawang libro ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Yes, madadagdag na ang pangalan ng ka-loveteam ni Alden Richards sa humahabang listahan ng mga celebrities na sumasabak sa pagsusulat ng sarili nilang libro.
Sa isang blog post, kinumpirma ni Maine na kasalukuyan na niyang tinatapos ang kanyang unang libro.

Wala pa itong pamagat o release date pero inaasahang lalabas ito ngayong taon under Summit Books na siya ring nag-publish ng libro ni Alden na “In My Own Words.”

Nagsusulat si Maine sa kabila ng kanyang busy schedule. Kwento pa niya, kahit noong nagbakasyon sila sa United States noong Holy Week ay may natapos siyang isang bahagi ng kanyang libro.

“I am currently working on my book. Another reason why I find it really hard to make time for myself and other things because I have weekly deadlines for the book! Actually kaya dala ko itong laptop ko kasi magsusulat pa din ako sa Amerika,” ani Maine.

Ayon sa Eat Bulaga Dabarkads, siya mismo ang nagsusulat ng kanyang libro, “I’m writing it. Ito kasi, talagang ako ang nagsusulat. Walang ghostwriter. Kaya lahat ng mababasa nila sa book galing sa puso ko.”

Dagdag niya, “It’s more about my personal life — my personal experiences, my feelings. It’s not just about Yaya Dub or the characters I have played in the movies or TV. It’s really about Maine Mendoza.”

Sabi pa ni Maine, maikukumpara ang librong sinusulat niya sa kanyang blog na The Pessimistic Optimist Bella. Limang taon nang blogger si Maine, bago pa man siya makilala sa showbiz bilang si Yaya Dub.

Siyempre, hindi na nagpapaapekto ang dalaga sa mga mambabatikos sa kanyang bagong proyekto, “Ako kasi, sobrang pessimistic akong tao. Kaya nasanay na rin ako. I really take time to visit their accounts para basahin yung sinasabi nila sa akin. I check pero hindi ako nagre-respond sa kanila.

“Tinitingnan ko lang yung mga sinasabi nila sa akin. Weird but it doesn’t affect me that much. It actually feeds me. In a way, feeling ko nagiging motivation ko rin yung bashers,” ani Maine.

Bukod sa kanyang libro, abala pa rin si Maine sa Eat Bulaga at sa GMA primetime soap nila ni Alden na Destined To Be Yours. Pag-amin ng aktres, naninibago pa rin siya sa pag-arte pero ginagawa niya ang lahat para mapasaya ang kanyang mga tagahanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending