Marian vs 3 Sang'gre: maaksiyon, madugong laban | Bandera

Marian vs 3 Sang’gre: maaksiyon, madugong laban

Ervin Santiago |April 29,2017
facebook
share this

Marian vs 3 Sang’gre: maaksiyon, madugong laban

Ervin Santiago - April 29, 2017 - 12:20 AM

GABBI GARCIA, GLAIZA DE CASTRO, MARIAN RIVERA AT SANYA LOPEZ

GABBI GARCIA, GLAIZA DE CASTRO, MARIAN RIVERA AT SANYA LOPEZ

MARAMING netizens ang natuwa nang makita ang litrato ng mga Sang’gre ng Encantadia na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro kasama ang inang si Reyna Mine-a na ginagampanan ni Marian Rivera-Dantes.

Matatandaan kasing pinaslang siya ni Asval at mula noon ay humimlay na sa Devas. Ngunit isang bagong twist na naman ang aabangan dahil pinasilip na ang pagbabalik ni Marian sa mundo ng Encantadia. Laking gulat naman ng mga manonood dahil kasama na niya ngayon ang mga kawal ng mga kalaban.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, ibang-iba na raw ang kanyang character na si Hara Minea dahil magiging kalaban na siya at isa sa mga dapat abangan ay ang maaksyong labanan nila ng kanyang mga anak na Sang’gre. Exciting ang mga bagong kaganapan sa Encantadia kaya huwag na huwag daw kayong bibitiw sabi ni Marian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending