Relasyong Marlon-Pia mas tumatag, walang nagbago | Bandera

Relasyong Marlon-Pia mas tumatag, walang nagbago

Jun Nardo |April 28,2017
facebook
share this

Relasyong Marlon-Pia mas tumatag, walang nagbago

Jun Nardo - April 28, 2017 - 12:10 AM

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

BINASAG na ng car racer na si Marlon Stockinger ang kanyang katahimikan nang mag-post ito ng photo nila ng girlfriend na si Pia Wurtzbach sa Instagram.

“Nothing’s changed,” simpleng caption ni Marlon.

Ibig sabihin, walang epekto sa relasyon nila ang paglantad sa publiko ng model na kanyang naanakan!

Wala nga naman siyang dapat ipaliwanag sa publiko. Mas mahalaga pa rin kung ano ang nararamdaman nila ni Pia para sa isa’t isa.

Feeling nga lang ng sumusubaybay sa lovelife ni Pia, lapitin siya ng kontrobersya mula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon. Sa isyu ni Pia sa isang Pinay businesswoman sa Brunei, dawit din si Marlon, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending