Opisyal source ng fake news | Bandera

Opisyal source ng fake news

Den Macaranas |April 28,2017
facebook
share this

Opisyal source ng fake news

Den Macaranas - April 28, 2017 - 12:10 AM

ISANG appointed government official ang sinasabing source ng fake news na naglalayong ibagsak ang kasalukuyang pamahalaan.

Sinabi ng ating Cricket na present sa ilang meeting ng mga grupong identified sa administrasyon ang nasabing opisyal.

Wala namang bago dito dahil si Mr. Government Official ay naitalaga sa kanyang pwesto baga natapos ang administrasyong Aquino.

Kaya asahan na raw na nasa dating pamahalaan ang kanyang loyalty.

Identified din sa isang political party ang nasabing opisyal na madalas kasama sa mga political events bago siya nai-appoint sa kanyang kasalukuyang pwesto.

Sinabi ng ating Cricket na kasama rin si Mr. Government Official sa mga sikretong nakikipagpulong sa ilang kinatawan ng foreign media at source ng ilang impormasyon laban sa pamahalaan.

Sa aking pakikipag-usap sa isang miyembro ng gabinete na hindi ko na pangangalanan ay kanyang sinabi na namonitor na rin nila ang gawain ng bida sa ating kwento ngayong umaga.

Dahil siya ay isang opisyal ng pamahalaan kaya nagmumukhang A1 ang mga information na kanyang ibinabahagi sa mga miyembro ng foreign media bilang isang unnamed source.

Dahil sa kanyang gawain ay nagagamit ang resources ng kanyang tanggapan sa mga bagay na sumisira sa mismong pamahalaan na kanyang pinaglilingkuran.

Sinabi ng aking Cricket na ang pakiramdam ni Mr. Government Official ay isa siyang crusading person na magdadala ng pagbabago sa gobyerno.

Naniniwala tuloy ang aking Cricket na totoo ang banta sa destabilisasyon dahil iisa ang mga impormasyon na lamang reklamo sa ICC pati na rin ng argumentong gamit ng mga foreign media.

Marami umano sa mga impormasyon na ito ay galing sa opisyal ng pamahalaan na tinutukoy natin sa ating kwento ngayong araw na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang government official na source ng mga malisyosong media reporta ay si Mr. C….as in Chicka.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending