Mayamang negosyante tiklop kay Pia, napilitang mag-sorry | Bandera

Mayamang negosyante tiklop kay Pia, napilitang mag-sorry

Ambet Nabus |April 27,2017
facebook
share this

Mayamang negosyante tiklop kay Pia, napilitang mag-sorry

Ambet Nabus - April 27, 2017 - 12:10 AM

pia warthbach

SA kabilang banda, nakakatulong din ang minsang hindi pagpatol sa mga isyu sa social media.

Nang dedmahin ni Pia Wurtzbach ang litanya ng mayamang negosyante sa “Brunei sojourn” issue na kinasangkutan ng beauty queen kamakailan, kusa rin itong humupa at bigla sigurong na-realize ng negosyanteng kaaway ni Pia na siya rin ang magiging kawawa sa huli.

Bilang tagapagdala pala siya ng mga artista at mga beauty queen sa Brunei, siya talaga ang maaapektuhan at ang kanyang mga negosyo mereseng sabihin pang nakakakuha siya ng libreng publicity.

Pinanindigan lang ni Pia ang pagiging Miss Universe niya na marunong pumili ng laban at isyung papatulan.

Kahanga-hanga rin ang management outfit niya under Jonas Gaffud dahil mas pinagagana nila ang kanilang isip kesa sa emosyon. Kaya ang ending, si mayamang negosyante rin ang sumuko at humingi ng dispensa. Ni hindi nga namin matandaan ang name niya. Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending