Juday ayaw munang gumawa ng serye na todo iyakan: HIndi na kaya ng powers ko! | Bandera

Juday ayaw munang gumawa ng serye na todo iyakan: HIndi na kaya ng powers ko!

|April 27,2017
facebook
share this

Juday ayaw munang gumawa ng serye na todo iyakan: HIndi na kaya ng powers ko!

- April 27, 2017 - 12:10 AM

judy ann santos and ryan agoncillo

NAGBABALIK ang tunay na reyna! Yes, magbabalik-telebisyon na nga ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos ngayong darating na Mayo.

Kahapon inihayag ng Kapamilya Network na si Juday pa rin ang magiging host ng tinaguriang cutest game show on Philippine TV, ang Bet On Your Baby Season 3.

“I’m so excited to be working on TV again at makagawa uli ng show na malapit sa puso ko. Sana isa po sa inyong mga anak ay makasama namin sa Daby Dome. May mga bagong pasabog, pa-cute ng slight at bonggang papremyo ang dapat n’yong abangan,” chika ni Juday na napakalaki na ng ipinayat ngayon.

Kabilang sa sorpresa ng programa ay ang pagkakaroon ni Juday ng bagong partner, ang digital mascot na si Piggy Bangs. Bawat episode ay makakausap niya ito at makikigulo sa mga kids na sasabak sa iba’t ibang games.

Para sa pilot week ng Bet On Your Baby, limang celebrity babies with their mommies and daddies ang maglalaban-laban para sa P1 million cash prize na nasa loob ng piggy bank. Magsisimula na ang season 3 ng Bet On Your Baby ngayong May sa ABS-CBN.

Samantala, inamin din ni Juday na nami-miss na rin niya ang paggawa ng teleserye, “I also miss acting, hindi naman mawawala sa sistema ko yung pag-arte. Siguro nga lang dahil matagal akong nagpahinga, matagal akong nawala nandoon yung kaba kung anong materyales ang dapat kong piliin.

“Pero ang ABS hindi naman nagkulang sa akin kung ano ang dapat i-offer na teleserye. Kung meron man masyadong matagal na pagitan maliban sa nag-maternity leave ako, masyado po kasi akong kabado, kung ano nga ba ang ihahatag kong teleserye. Of course I have to give something really worth waiting for kasi ang tagal kong nawala.

“Pero ang gusto ko sana medyo light na drama para masaya lang. Sa mga teleseryeng napapanood ko hindi na kaya ng powers ko yung mga ganyang aktingan na parang mapapatid na yung litid ko sa ganyang mga puyatan, pero gusto ko happy. Gusto ko to give inspiration and aspiration.

“Yun naman ang goal ko talaga. Kung gagawa ako ng isang teleserye sana may advocacy, it should be inspirational, it should be aspirational, hindi siya yung mabigat sa dibdib. Yung masaya lang.

“Naghihintay lang din po ako kasi work in progress pa rin kasi itong construction ng katawan ko after kong manganak kay Luna.

“So pag talagang nasa fighting form na talaga po ako at pwede ko nang iwanan ng husto yung mga inakay ko, okay na, pwede na po uli,” mahabang paliwanag ng award-winning actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending