Ilang lugar sa QC at Valenzuela City mawawalan ng tubig simula mamayang gabi | Bandera

Ilang lugar sa QC at Valenzuela City mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

|April 26,2017
facebook
share this

Ilang lugar sa QC at Valenzuela City mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

- April 26, 2017 - 06:46 PM

maynilad2

MAWAWALAN ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City at Valenzuela City simula mamayang alas-10 ng gabi na tatagal hanggang bukas ng alas-4 ng hapon, ayon sa Maynilad.
“Magsasagawa ang Maynilad ng pipe network upgrade sa Quezon City upang patuloy na mapabuti ang serbisyo patubig sa West Zone. Dahil dito, makakaranas ng pansamantalang paghina hanggang pagkawala ng suplay ng tubig simula ika-26 ng Abril 2017 (10 PM) hanggang ika-27 ng Abril 2017 (4 PM) sa mga sumusunod na lugar sa Quezon City at Valenzuela,” sabi ng Maynilad sa isang kalatas.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:
Quezon City:
Bagbag
Batasan Hills
Commonwealth
Fairview
Gulod
Holy Spirit
Nagkaisang Nayon
San Bartolome
Santa Lucia
Sauyo
Talipapa

Valenzuela City:
Ugong
“Maaaring magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit tubig ng tubig (volume withdrawal mula sa distribution system),” ayon pa sa Maynilad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending