Mr. Legislator ayaw pahalatang biglang yaman | Bandera

Mr. Legislator ayaw pahalatang biglang yaman

Den Macaranas |April 26,2017
facebook
share this

Mr. Legislator ayaw pahalatang biglang yaman

Den Macaranas - April 26, 2017 - 12:10 AM

SA kabila ng paglobo ng kanyang mga properties sa Metro Manila at mga lalawigan ay nananatili pa rin sa bahay ng kanyang mga in-laws ang isang sikat na mambabatas.

Ito ay para nga naman hindi mapansin ng publiko ang biglang pagyaman ng bida sa ating kuwento ngayong araw.

Mula sa dating ordinaryong SUV ngayon ay sakay na lagi ng isang kulay black na Toyota Landcruiser si Mr. Legislator.

Sinabi ng ating Cricket na inabot nang mahigit sa P5 milyon ang halaga ng nasabing sasakyan na pinalalabas niyang pahiram lang sa kanya ng isang kaibigan dahil daw sa kaliwa’t kanang banta sa kanyang seguridad.

Si Mr. Mambabatas ay bumili rin ng dalawang bagong big bike kamakailan na siya namang ginagamit ng kanyang mga “hawi boys”.

Ayon sa ating Cricket, meron din umanong nabiling bahay at lupa sa isang lugar sa Southern Metro Manila ang ating bida pero hindi pa niya ito inilalagay sa kanyang pangalan.

Hindi nga naman niya maipapaliwanag kung saan niya kinita ang ipinambili rito kung ilalagay ito sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Meron ding nabili na mga lupain sa Bicol region si Mr. Legislator
ayon sa ating Cricket na wala rin sa listahan ng kanyang mga deklaradong ari-arian.

Dahil sa higpit ng seguridad na ipinatutupad sa kanyang pamilya ay balak ding magdagdag ng mga bodyguards ni Sir kahit na sabihing sindami na ng isang private army ang mga nakapaligid sa kanila.

Nagtatanong ang ating Cricket kung anong uri ng anting-anting meron si Sir samantalang wala naman siyang negosyo pati na rin ang kanyang misis.

Mukhang totoo nga ang balita, ayon sa ating Cricket, na perang galing pa sa abroad ang gamit ngayon ni Sir na iniuu-gnay naman sa mga balita ng destabilisasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mambabatas na hindi nagdedeklara ng kanyang tunay na mga ari- arian at namumuhay sa karangyaan ay si Mr. A…as in Antigo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending