Pakakasalan kaya ng BF kapag nabuntis? | Bandera

Pakakasalan kaya ng BF kapag nabuntis?

Joseph Greenfield |April 26,2017
facebook
share this

Pakakasalan kaya ng BF kapag nabuntis?

Joseph Greenfield - April 26, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Abby ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung ang kasalukuyan ko na bang boyfriend ang aking makakatuluyan at kung compatible ba kami. Madalas kasing may nangyayari sa amin at natatakot ako na baka bigla akong mabuntis at pagkatapos ay takasan nya ako. Sabi kasi niya sa akin ay ayaw niya pang mag-asawa o hindi pa daw siya handa. Kaya nga lagi kaming nagtatalo at sinasabi kong paano pagnabuntis mo ako e ayaw naman niyang mag-condom pag nagtatalik kami. Ano sa palagay mo, kami na kaya ang magkakatuluyan at pag nabuntis ako pakakasalan niya kaya ako? November 27, 1991 ang birthday ng boyfriend ko at March 30, 1992 naman ako.
Umaasa,
Abby ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Suwerte ka, Abby, dahil iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong first boyfriend, first love, first kiss at siya rin ang nakauna sa iyong pagkababae, tulad ng nasabi na, wag kang mag-aala, sa bandang huli, mabuntis ka man o hindi, malaki ang pag-asa na papakasalan ka ng kasalukuyan mong boyfriend.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Two of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling kayo ang nagkatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend, may pangako ng isang masayang pag-ibig, na hahantong sa isang maunlad at maligayang pagpapamilya habang buhay.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending