Relasyon nina actor-businessman at hunk singer nabuking | Bandera

Relasyon nina actor-businessman at hunk singer nabuking

Cristy Fermin |April 26,2017
facebook
share this

Relasyon nina actor-businessman at hunk singer nabuking

Cristy Fermin - April 26, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE AND MALE 0316

TAWA kami nang tawa sa mga impormasyong nakarating sa amin tungkol sa dalawang male personalities na meron palang ginagawang milagro sa kanilang pagbabakasyon kuno sa ibang bansa.

Hindi sila nag-iisip bago nila inilabas ang kanilang mga retrato. Hindi nga sila magkasama sa picture pero magkapareho naman ang background ng mga shots nila.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka sila! Hindi sila discreet! Nagkunwari pa silang hindi magkasama sa isang bansa lang, pero buking na buking naman sila through the background of their pictures!

“Ano ‘yun? Hindi lang ang publiko ang niloloko nila, kundi ang mga sarili nila mismo! Katsipan!” nakataas ang kilay na komento ng aming impormante.

Bakit kaya palaging nali-link ang hunk actor kuno sa mga lalaking personalidad na matagal nang kinukuwestiyon ang kasarian? Palaging ito ang nauugnay sa mga artistang hindi pa ladlad pero halatado namang malalansa ang amoy.

“Naku, naging karelasyon din niya nu’n si _____ (pangalan ng guwapong hunk actor-singer)! Madalas siyang nakikita sa condo ng guy na kinukuwestiyon din ang gender, nakababad lang siya du’n palagi.

“Nu’ng may makakita sa kanila na palabas ng unit, ikinuwento nu’ng nakakita ang scenario sa isang kilalang director. Nagalit ang dalawa! Tsismosa kuno ang girl, bakit daw sila hinusgahan agad?

“Ayun, nabuking tuloy na naging dyowa rin pala ni directed by ang macho kunong lalaki. Kaya pala siya nagalit sa nakakita sa kanila, e, wala pang closure ang relasyon nila ni direk!

“Ngayon, e, sila naman ni ____ (pangalan ng isang magaling, guwapo at negosyanteng aktor) ang nali-link sa isa’t isa. Magkasama silang nagbakasyon sa ibang bansa pero ang drama nila, e, hindi naman sila magkasama.

“Pero buking sila, parehong-pareho ang background ng mga pictures nila. Yebbaaaa!!!! Mark my word, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang starring sa kuwentong ito!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending