Tisoy na aktor naipagpatayo ng bahay ang pamilya dahil daw sa beking lover | Bandera

Tisoy na aktor naipagpatayo ng bahay ang pamilya dahil daw sa beking lover

Cristy Fermin |April 25,2017
facebook
share this

Tisoy na aktor naipagpatayo ng bahay ang pamilya dahil daw sa beking lover

Cristy Fermin - April 25, 2017 - 12:15 AM

 

BLIND ITEM MALE 0624

PALAGI palang sentro ng mga kuwentuhan sa kanilang bayan sa isang probinsiyang hindi naman kalayuan sa Maynila ang isang guwapong aktor. Namamangha kasi ang kanyang mga kababayan sa patuloy na progreso ng buhay ng kanilang pamilya.

Hindi naman sila nagugutom nu’n, pero hindi ganito kaganda ang kanilang buhay dati, bukod sa kanyang magarang sasakyan ay naipagpagawa na pala ng bahay ng tisoy na aktor ang kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo naman sa probinsiya, bulate lang ang nakita, kapag ikinuwento, e, malaking ahas na! So, siya ang ginagawang topic ngayon kahit saan ng mga kababayan natin.

“Spell I kasi sa kanya ang mga kapitbahay nila, inggit na inggit ang mga taong ‘yun sa mga ipinagagawa niya sa bahay nila. Maliit lang kasi ‘yun dati, pero ngayon, e, nadugtungan na nang nadugtungan.

“Parang naging train na raw ang housing authority nina ____ (pangalan ng tisoy na aktor) dahil sa haba.

E, alangan namang palapad ang ipagawa niya, e, kung sa pahaba nga ang sukat ng lote nila?

“Naku, talagang siya ang ginagawang panghimagas sa lahat ng umpukan sa bayan nila. Walang maniniwala na sa pag-aartista lang niya nanggagaling ang lahat ng mga ipinagagawa niyang improvement sa hose nila,” napapailing na sabi ng aming impormante.

Marunong daw kasing humawak ng pananalapi ang tisoy na aktor. Hindi siya maluho sa katawan, puro ex-deal nga lang daw ang mga isinusuot niyang damit, hindi siya mahilig mag-shopping.

Pagtatapos ng aming source, “Tama, mahusay siyang humawak ng pera niya, pero kung bakit naman kasi ayaw tumigil ang mga kuwento tungkol sa gay businessman na nali-link sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yun daw ang tumutugon sa mga kabonggahan ng buhay ngayon ng family niya. Nagdedenay si male personality, pero mahirap nga namang ipaliwanag kung saan nanggagaling ang mga ginagastos niya ngayon.”

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, katunong ng balyena ang apelyido ng tisoy na aktor na ito, getlak n’yo na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending