Tsismis ng katomboyan kay Angel binura ni Neil Arce; next level na ang relasyon | Bandera

Tsismis ng katomboyan kay Angel binura ni Neil Arce; next level na ang relasyon

Cristy Fermin |April 25,2017
facebook
share this

Tsismis ng katomboyan kay Angel binura ni Neil Arce; next level na ang relasyon

Cristy Fermin - April 25, 2017 - 12:10 AM

angel locsin at neil arce

HINDI lang sila lantarang umaamin pero malaki ang posibilidad na nagkakaigihan na ngayon sina Angel Locsin at Neil Arce. Hindi naman kasi si Angel ang klase ng babaeng ipinaglalantaran sa buong mundo ang mga nangyayari sa kanyang pakikipagrelasyon.

At wala namang problema kung sila na nga dahil malinis ang kanilang kartada. Malaya na si Angel na magmahal at malaya na rin si Neil sa paghihiwalay nila ni Bela Padilla.

Mas maganda na para kay Angel ang ganitong kuwento, tutal naman ay nagbigay na ng pahimakas ang producer na si Mr. Arce, ano raw kaya ang susunod na kahahantungan ng kanilang pagkakaibigan na pitong taon na ngayon?

Palaging kinukuwestiyon ng mga kababayan natin kung bakit puro mga tibo ang palaging kasa-kasama ngayon ni Angel kahit saan. May multiple choice pa nga silang ibinibigay. Kundi raw karelasyon ng tibo ang magandang aktres ay siya mismo ang tibo.

Ngayong may nauugnay nang lalaki sa kanya, kahit paano’y mababawasan ang mga nagtatanong kung ano ba ang totoong kasarian ni Angel Locsin, mababalanse ni Neil Arce ang kuwento.

At may karapatang lumigaya si Angel Locsin. Walang makapipigil nu’n para sa kanya. Kung busilak naman ang intensiyon ng producer sa dalaga ay walang problema.

Kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, pareho pa silang mga anak ng sining, walang masama kung sila na nga ngayon.

Umamin man sila o hindi ay nandiyan na ang mga palatandaan—maligaya sila sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending