Jessy kay Luis: Kahit sobrang dilim at lungkot na ng paligid, pinapatawa mo pa rin ako! Mahal na mahal kita! | Bandera

Jessy kay Luis: Kahit sobrang dilim at lungkot na ng paligid, pinapatawa mo pa rin ako! Mahal na mahal kita!

Ervin Santiago |April 25,2017
facebook
share this

Jessy kay Luis: Kahit sobrang dilim at lungkot na ng paligid, pinapatawa mo pa rin ako! Mahal na mahal kita!

Ervin Santiago - April 25, 2017 - 12:05 AM

jessy mendiola at luis manzano

KUNG maraming nangnenega noon sa relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, mukhang nabaligtad na raw ang mundo.

Kaunti na lang kasi ang mga namba-bash sa dalawang Kapamilya stars, hindi tulad noon na talagang mula agahan hanggang midnight snack ay puro panlalait at pambabastos ang ipinapakain sa kanila ng bashers.

Mukhang nasa kanila nga ang huling halakhak dahil mas marami na ngayon ang pumupuri at nai-inspire sa love story ng dalawa.

Tulad na lang last Sunday, nang magbigay ng madamdaming mensahe si Jessy kay Luis para sa 36th birthday nito sa ASAP sa pamamagitan ng isang pre-recorded video. Maraming kinilig sa magdyowa at nag-wish na sana’y sila na nga ang magkatuluyan sa ending.

Sabi ni Jessy, “Hi love ko. Gusto ko lang sabihin sayo na happy, happy birthday. Ikaw ang nag-iisang sunshine ng buhay ko dahil kahit sobrang dilim na ng lahat, kahit sobrang lungkot ng paligid, pinapatawa mo ako parati. Mahal na mahal kita.”

Ayon naman kay Luis, ang tanging wish niya lang sa kanyang kaarawan ay ang mapaligaya pa ang mga taong mahal niya.

“Maraming salamat sa lahat ng bumati, 36 na ako. Nu’ng 35, gusto ko lang naman magpasaya ng tao kaya’t sana itutuloy-tuloy ko ang 36 na magpasaya. Gusto namin masaya lang kayo, Kapamilya,” sabi pa ng TV host-comedian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending