Horoscope, April 25, 2017 | Bandera

Horoscope, April 25, 2017

Madam Sophia |April 25,2017
facebook
share this

Horoscope, April 25, 2017

Madam Sophia - April 25, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simpleng selebrasyon na lang ang dapat para makatipid. Alalahanin mong madaling maubos ang pera pero mahirap kitain. Sa pag-ibig, tuloy ang nakakikilig na romansa habang papainit ng papainit ang panahon. Mapalad ang 1, 4, 8, 22, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Upang umunlad, laging makipagkuwentuhan sa mga mapera, sa bandang huli magiging mapera ka na rin. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pakinggan – ang kasuyong Sagittarius. Nasa iyong ulo at buhok ang iyong sex appeal. Mapalad ang 6, 9, 12, 16, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dasa-Om-Sol.” Green at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansyal, pangiti-ngiti lang ang dapat upang dumami pang lalo ang salapi. Sa pag-ibig, ngiti rin ang magsisilbing gamot sa pusong nalulungkot. Nasa leeg at batok ang iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Pad-Meom.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, magaling lang sila kapag may kailangan, subalit kapag kailangan mo na ng karamay, isa-isa na silang nawawala. Sa pag-ibig, isa lang ang makakaunawa sa iyo ng lubos ang kaibigang Libra. Nasa iyong ilong at labi ang iyong sex appeal. Mapalad ang 5, 17, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Gita-Om.” Black at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi puwede ang masyadong mabait, dahil kapag nagbabait-baitan, lalo ka lang aapihin ng mga mayayaman. Kailangang maging pusong-bato ka para umunlad. Sa pag ibig tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Nasa iyong balakang, pusod at puson ang iyong sex appeal. Mapalad ang 2, 16, 24, 37, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ngayong tapos na ang mga balakid, dagdag na pagpapala at mas maraming mga biyaya ang kusa mong matatanggap na may bonus pang masatamis na romansa sa dilim. Nasa likod at dibdib ang iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 7, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Gur-Deva-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit na sa pag-aakala mong ikaw na ang pinakamagaling ilihim mo ito upang hindi ka kainggitan. Sa pinansyal, wag labas ng labas ng pera upang hindi ka mautangan ng mga manunuba at balasubas. Nasa pahawak-hawak at patapik-tapik ang iyong sex appeal. Mapadla ang 5, 14, 23, 32, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Arjuna-Om”. Pink at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Gumawa ng halo-halong kumpleto ang sangkap, na may pinipig at lecheplan sa ibabaw. Ipatikim sa pamilya at sa iyong minamahal. Sa ganyang paraan susuwertehin at mas magiging maligaya ang buong araw. Nasa malusog mong dibdib ang iyong sex appeal. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mihi-Omne-Om.” Lilac at beige ang buneas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Maiibsan ang mainit na pakiramdam kung makiki-join sa mga kasamahang nagbabalak na mag-swimming. Sa pag-ibig habang nagsu-swmming may isang nilalang na sa iyo ay lihim na makakagusto. Nasa iyong puwet at mga bahagi ng katawan na may buhok ang iyong sex appeal. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yoan-Govinda-Dosya”. Red at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tagumpay ang binabalak na negosyo kung isa sa isantabi ang emosyon. Panahon na upang maging praktikal at materyoso. Sa pag-ibig, gawin mo lang ang mga bagay na alam mong masaya at masarap. Nasa hita at binti ang iyong sex appeal. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Dalawang bagay ang hatid ng panahong ito ng Taurus sa iyong kapalaran: Isang romatikong pag-ibig at dagdag na pagkakaperahan. Nasa iyong mga muscle, paa at bisig ang iyong sex appeal. Mapalad ang 4, 13, 26, 35, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Yellow at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Imbis na maging emosyonal, mas dapat ipriority ang pagkakaperahan at lumabas ka ng bahay. Sa pag-ibig sa isang Libra matatagpuan ang kaligayahan. Nasa iyong pagtitig at malumanay mong pagsasalita ang iyong sex appeal. Mapalad ang 6, 18, 15, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Chandaya-Om.” Blue at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal tuloy ang agos ng maraming pera, panahon na upang mag tipid-tipid naman. Sa pag-ibig, higit kang magiging mapalad sa ka-relasyong isinilang sa buwan ng Mayo. Nasa dila at mga daliri sa paa ang iyong sex appeal. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Tatra-Om.” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending