Coco tinupad ang pangako kay Nanay Rosita, sinorpresa sa ospital | Bandera

Coco tinupad ang pangako kay Nanay Rosita, sinorpresa sa ospital

|April 22,2017
facebook
share this

Coco tinupad ang pangako kay Nanay Rosita, sinorpresa sa ospital

- April 22, 2017 - 12:15 AM

coco martin

Larawan mula sa cocomartin_ph

PINALIGAYA ng Teleserye King na si Coco Martin ang isang lola na matagal nang naka-confine sa ospital. Ang nasabing matanda ay isa sa mga avid fan ng FPJ’s Ang Probinsyano lead star.

Sinorpresa ni Coco si Rosita Espiritu na matagal nang bed-ridden sa kanyang hospital room. Binigyan niya ito ng bulaklak at hinalikan pa sa noo.

Sa isang video na ipinost sa social media, nabatid na nangako talaga si Coco na dadalawin niya si Nanay Rosita pagkabalik niya mula sa kanyang US tour. At tinupad nga niya ang kanyang promise.

Abot-langit naman ang pasasalamat ng pamilya ni Nanay Rosita kay Coco dahil sa effort ng binata at sa ipinakita nitong concern sa kanilang kapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending