Gloria Romero todo hataw pa rin kahit 83 na | Bandera

Gloria Romero todo hataw pa rin kahit 83 na

Jun Nardo |April 22,2017
facebook
share this

Gloria Romero todo hataw pa rin kahit 83 na

Jun Nardo - April 22, 2017 - 12:25 AM

gloria romero

IPINALIWANAG kay Gloria Romero ang millennial language na binibitiwan niya sa Meant To Be bago niya ito bitawan sa eksena. Ito ang naging pahayag niya sa presscon na magical show na Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan normal na dialogues lang ang sinasabi niya.

“Natutuwa ako dahil sa edad kong 83 eh, nabibigyan pa rin ako ng ganitong programa na sa akin ang sentro ng kuwento.

“Nagpapasalamat din ako dahil biniyayaan ako ng matibay na memory. Kung hindi na ninyo ako nakikita sa TV, ang ibig sabihin ay retired na ang Lola Gloria ninyo! Ha! Ha! Ha!” pahayag ng award-winning veteran actress sa presscon ng magical series.

Wala naman daw problema na magkaroon siya ng dalawang shows. Sa MTB kasi, hindi naman ganoon kalakihan ang kanyang role. Sa DKNLK, once a week lang ang taping.

“Mababait din ang directors ko, kapag nakikita nilang napapagod na ako sa taping, pinauuwi na nila ako. Suwerte langa ko talaga sa part na ‘yon,” rason ng Movie Queen.

Sa magical series na mapapanood na sa Abril 30 at makakasama niya ang mga bagets na sina Jillian Ward, David Remo, Julius Miguel at Chlaui Malayo mula sa direksyon ni Rico Gutirrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending