Dapat engagement muna, tapos wedding, bago po anak!- Megan | Bandera

Dapat engagement muna, tapos wedding, bago po anak!- Megan

Ervin Santiago |April 22,2017
facebook
share this

Dapat engagement muna, tapos wedding, bago po anak!- Megan

Ervin Santiago - April 22, 2017 - 12:05 AM

megan young at mikael daez

NAPAG-UUSAPAN na rin nina Megan Young at Mikael Daez ang tungkol sa kasal like any ordinary couple.

Ito ang diretsong inamin ni Miss World 2013 sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Our Mighty Yaya” under Regal Entertainment kung saan makakasama niya ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

“Given na six years na kami and, you know, we’re both adults. We talked about it recently, it just probably not the right time for us right now.

“It’s something that isn’t new to us to talk about. And we get our family involved when we talk about it also,” ang pahayag ni Megan.

Pero sinabi ng dalaga na umaasa siyang si Mikael na ang “the one” for her, “Well, I hope so. You know, Mikael is the final one for me. I always hope that and in my heart, he is na.”

Nakilala na rin finally ni Mikael ang ilang miyembro ng pamilya ni Megan, nangyari ito sa isang trip nila sa Maryland, “Actually, nakilala na niya ang kuya ko before, pero very briefly.

“Na-meet niya rin yung mom ng brother ko, sister-in-law ko, mga pamangkin ko. So it was really, really nice trip for us. Happy ako na na-meet niya ang family ko on that side,” kuwento pa ng Kapuso actress.

Memorable din para kay Megan ang huling bakasyon nila ng boyfriend sa Maldives, at kitang-kita nga ‘yan sa kulay niya nang humarap sa grand presscon ng “Our Mighty Yaya”, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment.

“Sobrang enjoy, sobrang ganda ng Maldives. Siyempre, hindi mo pa rin maiku-compare sa Philippines. Ang dami ko pa rin nakikitang maganda sa Pilipinas. Pero iba, e, maa-appreciate mo talaga yung ganda ng Maldives,” aniya pa.

Super nag-enjoy daw ang dalaga sa snorkeling tour nila ng dyowa, “Grabe, nu’ng makita nga namin ‘yung tubig doon, sabi namin, parang edited yata ang tubig. As in sobrang blue, parang light blue na ewan, ang ganda! Parang pareho kaming natameme sa ganda ng water.”

Natanong naman si Megan kung handa na ba siyang maging nanay dahil stepmom nga ang ganap niya sa “Our Might Yaya”. Aniya, talagang marami siyang adjustments na ginawa sa pelikula dahil nga sa kanyang role.

Chika ni Megan, “Parang, ‘Oh gosh, hindi pa nga ako ready na magkaroon ng anak na sarili ko. So, no, not yet, not yet, hindi pa ready! Kailangan engagement, married, saka anak.”

Samantala, showing na sa May 10 ang family comedy film of the year na “Our Mighty Yaya”, directed by Jose Javier Reyes under Regal Films. Makakasama rin dito sina Zoren Legaspi, Sofia Andres, Lucas Magallano, Alyson McBride at Beverly Salviejo.

In fairness, sa trailer pa lang ay ang happy-happy na ng pelikula, something new na naman na aabangan from the Philippine Comedy Queen and the beauty queen. Gaganap si Ai Ai bilang yaya habang si Megan naman ay magiging asawa ng isang business tycoon na may tatlo ngang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal-tagal na nating hindi napapanood sa big screen si Ai Ai kaya siguradong na-miss siya ng sambayanang Pinoy.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sa isang bonggang pelikula sina Ai Ai at Megan kaya sure na sure kaming magiging riot ang kanilang mga eksena. And with direk Joey around, tiyak na magiging memorable at meaningful ang celebration n’yo ng Mother’s Day.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending