Walang girlfriend

By Joseph Greenfield April 22,2017
share this

Walang girlfriend

By Joseph Greenfield April 22,2017
share this

Sulat mula kay Kevin ng Poblacion II, Obrero, Butuan City
Dear Sir Greenfield,
Ako po si Kevin na isinilang noong May 7, 1992. Sa ngayon, sa edad kong 25, hindi pa rin ako nagkaka-girlfriend. May trabaho naman ako bilang supervisor sa isang supermarket at okey naman ang suweldo ko, ang problema ko na lang talaga sa ngayon ay kung paano magkaka-girlfriend? Nagkakagusto din naman ako sa mga babae pero nakakahiya mang aminin madalas na hindi nila ako nagugustuhan o naba-busted lang ako.
Ano po ba ang dapat kong gawin upang makapagpasagot na ako ng babae at nang magka-girlfriend na ako? At kung magkaka-girlfriend na ako, kailan kaya ito mangyayari at sino kaya ang babaeng unang magiging girlfriend ko?
Umaasa,
Kevin ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag kang mag-alala Kevin dahil kapansin-pansin ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa edad mong 25 pataas, sa malapit na hinaharap matutupad din ang iyong pangarap – magkaka-girlfriend ka na rin at sa nasabing unang pakikipag-relasyon, walang duda, tiyak na magiging maligaya ka na piling ng isang babaing medyo kayumanggi ang kulay ng balat.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Jack of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding it ng 2017, sa buwan ng Oktubre, isang babaing kayumanggi ang kulay ng balat ang magiging girlfriend mo, na nagtataglay ng initial na M. O.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending