True ba ang chika, Angel Locsin nililigawan ng katropang tibo? | Bandera

True ba ang chika, Angel Locsin nililigawan ng katropang tibo?

Ronnie Carrasco III |April 22,2017
facebook
share this

True ba ang chika, Angel Locsin nililigawan ng katropang tibo?

Ronnie Carrasco III - April 22, 2017 - 12:05 AM

angel locsin

ANGEL Locsin finds herself in the same shoes proverbially worn by a man in the company of gay men.

May “Cristy Ferminute” listener kasing (wala naman sigurong malisya) nagtanong kung tibo rin daw ba ang aktres na nakunan ng litrato during her recent vacation kasama ang ilang “butch” (term for lesbians).

Either of two things lang naman ‘yan (or perhaps neither): dyowa ng tomboy si Angel o siya mismo ay tomboy?

Sa kaso ni Angel, hindi na bago ang balitang she gravitates towards a circle of gay women, either ang mga nakunang tagpo in photos ay dito sa bansa or elsewhere in the world.

Eh, ano naman ngayon kung alin sa dalawang nabanggit namin ang may bahid ng katotohanan, kung paanong wala namang masama kung any of our closeted actors or those with rumored gay lovers ay napapaligiran ng mga bading?

Ang kalayaang gawin ang anumang bagay na gusto should not limit his or her natural ability to make friends and build genuine friendships sa pakikipagkaibigan niyang ‘yon.

At kung sinasabing dyowa ni Angel ang isa sa mga tivoli na nasa picture, hindi ba puwedeng nanliligaw lang muna? Dyowa agad?

At kung si Angel nga mismo ang tibo, hindi ba puwedeng may tendency lang, certified tunggril agad?

For some naman, boyish lang daw talaga ang image ni Angel pero lalaki pa rin ang hanap niya.
But for some, baka raw nag-iba na nga ang preferense ng aktres dahil ilang beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig.

You talaga, you’re so judgmental…charot!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending