Bela kay Echo: Pinaramdam niya na lahat kami pantay-pantay lang! | Bandera

Bela kay Echo: Pinaramdam niya na lahat kami pantay-pantay lang!

Alex Brosas |April 20,2017
facebook
share this

Bela kay Echo: Pinaramdam niya na lahat kami pantay-pantay lang!

Alex Brosas - April 20, 2017 - 12:05 AM

bela at jericho

FIRST choice si Jericho Rosales to play the lead role sa “Luck At First Sight.”

“Actually, noong binubuo ang konsepto ay wala na kaming ibang iniisip na magpe-play ng Joma kundi si Echo kasi ‘yung Dianne parang ayokong i-assert ‘yung sarili ko na dahil na parang concept namin ay ako na ang magpe-play as Dianne.

“Parang kung puwede po ay gusto ko siyang gawin pero kung ibibigay sa iba ay okay lang din po, maiiyak lang ako nang konti pero okay lang naman din sa akin. ‘yung lalaki, wala nang ibang mag-play kundi si Echo.

“Tulad nga ng sabi ni direk Dan (Villegas), ‘yung character (ni Joma) ay kailangang medyo exag (exaggerated), parang ang feeling ko kung ibang artista ang magpe-play ay mag-o-overact. Pero si Echo, tamang-tama ang timpla, eh. Naitawid niya (ang role).

Alam mo ‘yung taong ganyan talaga, ganyan kagalaw, ganyan kalaki ang paniniwala sa suwerte.

“Since from the start ay si Echo na ang nasa isip namin ay excited na ako makatrabaho siya sa day one pa lang,” kuwento ni Bela Padilla.

“Nagulat ako kung gaano siya ka-humble na parang dahil Asian Drama King na siya, ang dami-dami na niyang achievements in life pero sa set ay binibitawan niya lahat ‘yon para lahat kami equal. Parang pinaparamdam niya sa amin na lahat tayo pantay-pantay,” dagdag pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending