Zanjoe, Coney, Bela, Heart pinaliligaya ang mga manonood

April 20,2017
share this

Zanjoe, Coney, Bela, Heart pinaliligaya ang mga manonood

April 20,2017
share this

zanjoe marudo at bela padilla
MARAMING manonood sa buong bansa ang nag-abang sa unang batch ng teen artists na sumalang sa blind auditions ng The Voice Teens noong Linggo kung kaya’t nagkamit ito ng national TV rating na 37.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ito rin ang naging pinakapanood na programa sa buong bansa noong weekend at tinalo ang katapat na show na nakakuha ng 15.1%.

Hindi rin nagpahuli ang netizens na pinanood ang episode at nag-post ng kanilang mga komento online, kaya naman nanguna ang hashtag na #TheVoiceTeens sa listahan ng trending topics sa Twitter sa bansa at worldwide.

May tig-iisa nang artist ang teams ng coaches – ang four-chair turner at teen wonder ng Makati na si Mikko Estrada (coach Lea), ang astig singing beauty ng Pampanga na si Isabela Vinzon, anak ng veteran actor na si Roi Vinzon (coach Bamboo), ang isa pang four-chair turner at chicharon charmer ng Sampaloc na si Patrick Corporal (coach Sarah), at ang mega fan ng Cavite na si Zyra Peralta (coach Sharon).

Huwag palampasin ang iba pang artists na magbabahagi ng kwento ng kanilang pangarap at magpapabilib gamit ang kanilang boses sa The Voice Teens.

Tampok din dito ang pagsasanib-puwersa ng premyadong hosts na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga.

q q q

Bigyang-daan natin ang ilang mensahe na natanggap namin sa e-mail mula sa ilan nating social media followers na patuloy na tumututok sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na My Dear Heart.

In fairness, wala kaming nababasa o nababalitaang nangnenega sa seryeng My Dear Heart na pinagbibidahan nina Coney Reyes, Heart Ramos, Bela Padilla, Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Puro papuri at pagsaludo ang ibinibigay sa kanila ng mga manonood at netizens.

Sabi ng isang avid viewer, “Wala akong masabi sa galing ng cast. Mula kina Coney hanggang sa supporting cast, they’re perfect sa kanilang mga role. But I want to single out Zanjoe, he’s really one great actor of his generation.”

Chika naman ng isang netizen, “Mabigat ang tema ng My Dear Heart, pero nagawa nila itong light at inspiring. Congrats sa buong cast at sa production! Sana mas marami pa kayong mapasaya gabi-gabi. Gusto kong makilala nang personal si Heart, she’s like my daughter kasi.”

Napapanood pa rin ang My Dear Heart pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending